CHAPTER 18

356 28 11
                                    

AN:Sobrang tagal ng update and Im so sorry for that.Bilang pagbawi din.Sige dalawang chapter po ngayon.
17 and 18 is upd!

Happy reading 💕

Niro POV'

Naiwan kaming dalawa ni Ardy sa tahimik at may kadilimang kalye.Agad akong kumilos at pagkatanggal na pagkatanggal ko palang ng tali ko sa kamay.

Bumaling ako kay Ardy.
Kasalukuyan na nyang tinatanggal ang tali sa kamay nya kaya lumapit ako para tulongan sya.Pero itinulak nya lang ang kamay ko.

Natigilan ako sa ginawa nya.Kinabahan ako dahil kagaya ng kinatatakutan ko.Ito na ba ang tatapos sa aming pagkakabigan.

"Wag mo akong hawakan" malamig na ani Ardy,tumayo sya,ibinalibag sa lupa ang panyong nakatakip sa bibig nya at ang tali sa kamay.

Tila umuusok ang ilong nya sa galit.

"Ardy...Im sorry" sambit ko.

"Sino sila?" Tanong nito "Bakit nila tayo kinuha? Bakit pati ako? Bakit nila ginawa yun?"

Hindi ako nakaimik.

"Sumagot ka Niro!" Singhal nya sakin,napaigtang ako."Binaboy nila ako! Dinumihan nila ang pagkatao ko"

"Im sorry Ardy...hindi ko rin sila kilala" saad ko.

Napakagat labi sya,pilit pinipigilan ang galit na nararamdaman.

"Paano ako?..." Mahinang tanong nya "Ganto nalang? Nasira na nila ako,nagamit ng walang kalaban laban"

Iniwas kong mapatingin sa kanya.Maya maya,naramdaman ko lumuha ang mata ko.

Ano ba ang dapat kong sabihin para mapagaan ang loob nya.Para sa isang taong minulestya,at ginamit ang pagkatao nito.

Wala akong masabi,wala akong magawa.Kaya unti unti akong lumapit sa gawi nya.

Gusto kong hawakan ang kamay nya,pero katulad kanina,nung tatangakain ko itong kunin.Inawas nya lang.

"Wag mong ididikit yang balat mo sa balat ko" saad nya.

Nasaktan ako sa sinabi nya,pakiramdam ko,sobrang dumi kong tao.

"Hindi lang ikaw ang nababoy Ardy..." Sambit ko,napatingin sya sa gawi ko "Ako din,mas malala...at ayokong ikwento"

"Gusto mo yun diba?" Saad nya,bahagya akong natigilan "Nagustuhan mo ang ginawa nila, k-kasi...kagaya ka nila.Isa ka sa kanila"

"Pero hindi ko gagawin yun sayo" sagot ko "Hindi ako ganung klaseng bakla na sinasabi mo,mas disente ako sa kanila"

"Pare-parehas kayo" tiim na saad nya "Mga baboy kayo"

Bumagsak pa ang ilang luha ko sa mata.Bago ko lakasan ang loob na hawakan si Ardy.Gusto kong magpaliwanag.Hindi dapat natatapos sa ganto ang lahat.

"Wag mo kong hahawakan!" Singhal nya sakin.Hinawi nya ang braso nya upang mapalayo sakin.

"Isinusumpa ko na kayong lahat" nagiigting ang panga nya "Dapat malaman to ng utoridad.Hindi ako papayag na babuyin at pagkatapos iiwan nalang nila tayo na parang basura"

"Huminahon ka iho..." Sabay kaming napalingon sa likod dahil sa nagsalita.

Nakita kong kababa lang ni mommy,kasunod si daddy sa kotse.Buong pagaalala ang tuon nila samin.

"Pagusapan na muna natin to iho,Ardy" si daddy ang sunod na nag salita.Nilapitan nya si Ardy pero bahagya itong lumayo saamin.

Si mommy naman ay lumapit saakin.Niyakap ako ng mahigpit pero nanatili ang mata ko kay Ardy.Kitang kita ko sa mga mata nya yung galit at ang takot.

Why I Love you? MR.CEO (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon