CHAPTER 50

244 17 1
                                    


AN; Guys malapit na tayo sa exciting part promise Haha

Happy reading

NIKO POV'

          Napakunot ang noo ni Niko sa nadatnan nang pumasok ito mula sa sala.Kita nya ang ina ni Rigel na tila pinagsukluban ng langit at lupa,habang naka upo ito sa pang isahang upuan sa sala.

Hikbi ang tanging maririnig nya dito at wala syang kaalam alam sa mga nangyayari.Nais sana nyang magtanong dito ngunit natuon na ang pansin sa nagkalat na pira-piraso ng isang larawan.

Punit punit ang mga ito,pati ang frame na pinaglalagyan.Wala syang alam sa kahit anong nangyayari at tila malaking katanungan ito sa kanya.Unang pumasok sa kanyang isipin ay kung pinasok ba ang bahay ng binata ng magnanakaw.O nagalit ba nangsobra ang ina na ngayon sa harap nya.

Hindi nya din maisip kung nag talo ba ang dalawa.Marahil sa halos na anim na taong pananatili nya sa piling ng magina ni hindi man lang sya nakarinig ng malaking pagtatalo sa mga ito.

Kung kayat malaki ang katanungan na meron sya sa kanyang isipan.Kung bakit at kung ano ba ang mga nangyari? Nasaan ang binata ngayon sa oras ng malamig na madaling araw.

Gusto nyang magtanong sa inang nasa harapan.Ngunit tila wala itong maisasagot dahil sa kalagayan nito.Awa ang namutawi ditto.Kung kayat pinili nya nalang magtungo sa kusina at kumuha ng isang basong tubig.Ibinigay nya ito sa matanda.

Kapagkuwan ay tinignan muli ang pirapirasong larawan sa sahig at ang mga basag na frame nito.

Kinuha nya ang isang punit ng larawan na bahagi ng mata ng isang lalaki.Kapagkuwan ay namayani ang katahimikan sa buong paligid.

Hinuhukay nya sa isipan kung sino at saan nga ba nya nakita ang may pamilyar na mga mata nito.Kapagkuwan ay napatingin sya sa tila paring nanlulumong matanda na ina ni Rigel.

May ilang pag hikbi pa syang narinig mula ditto bago ito nagsalita nang hindi man lang tumitingin sa gawi nya.

"Alam na nya ang katotohanan" hindi sya umimik "Alam na nya ang lahat,sa loob ng Twenty two years Niko...niloko ko sya"

"Teka nay ano po ba kasing nangyari?" buong pagtatakang tanong nya na kahit sa una palang kinutuban na sya."N-Nasaan po bas i Rigel? Bakit wala po sya ditto?"

"Wala na sya sakin Niko" sumagot ang kaharap,kapagkuwan ay muli nyang narinig ang paghikbi nito."Ako ang dahilan ng lahat ng paghihirap nya na dinadala nya noon paman nang sya lang mag-isa.Ni kahit pagtulong sa nahihirapan nyang puso ay wala akong ginawa.Hinayaang ko syang magisa sa laban ng buhay nya"

Dama nya ang nararamdaman ng isang inang nasasaktan,ngunit wala talaga syang alam sa lahat ng nangyayari.Kung kayat dahan dahan syang lumuhod kapantay nito at marahan nyang hinarap ang matanda sa kanya.

Buong may simpatsya nya itong tinitigan."Nay...ano po bang nangyari?" ulit lang nya sa kanina pang tanong."Si Rigel nasaan po sya? Bakit po nagkalat ang punit na larawan sa sahig?"

Muli nyang tinignan ang piraso ng papel namay bahagi ng mata ng isang lalaki.Kilala na nya siguro ang isang ito.Dahil ang ina ni Rigel ay napatingin din sa hawak nya.

Muli lang humikbi ang matanda.Bago ito magsalita,at masagot ang kanina pa nyang tanong.

"Hindi totoong anak ni Robert si Rigel" ani nito "Wala na ang kanyang ama nang mapangasawa ko sya.Sanggol palang si Rigel noon at wala pang muwang kung kayat nakapamulatan nyang maging ama ang pangalawang asawa ko,ayaw kong sabihin kay Rigel dahil baka muling ikaguho ng mundo nya ang katotohanan.At ngayon...wala na sya saakin"

Why I Love you? MR.CEO (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon