Isang chapter lang muna haha.Enjoy reading guys
Happy reading 💕
Rigel POV'
6:30 am nang mamulat ang aking mga mata.Hindi ito dahil sa alarm kundi isang masuyong halik ang aking naramdaman.
Its Niko,marahan nya akong hinalikan sa noo sabay sabing 'Goodmorning.May dala syang ngiti na lagi kong nakikita sa kanya.At ito ang nagpasigla ng umaga ko ngayon.
Today is my rest day,and yeah.Not a totally rest because I make a decision na ma-suspinde ng isang linggo.Hindi ako papasok ngayon at sa mga susunod pang-araw.
Naalala ko kasi kahapon.Yung mga mata nyang yun,yung boses nyang kay kapal ngunit puno ng galit at sakit saakin.
Nasaktan akong makita syang ganon.Lalo nat napansin ko ang mga mata nyang tila namumugtong at mababasa ang sakit.
Para akong sinabuyan ng mainit na tubig.But I need to remain my profesionality.Kahit may nagawa akong kasalanan.Kung kasalanan ba sa paningin nya ang makulong sa isang kwarto.Kasama ang isang lalaking kinatatakutan mo at hindi mo alam kung bakit ay hindi ko na inisip pa.
Ito narin siguro ang tamang oras na ipakita kong trabaho talaga ang pinunta ko sa B&A.At hindi para kilalanin ang isang Niro Barrenuevo.Hindi ko narin iisipin pa kung ano ang masasabi nya tungkol sa pagitan naming dalawa.Total ginagawa nya din siguro ang lahat upang ipakita saakin na isa syang boss at hindi isang taong nagkakaron ng koneksyon sa isang tulad ko.
"Natatakot ka parin ba?" Tanong saakin ni Niko,kasalukuyan na kaming nasa loob ng kotse.Were going to the clinic of Doc.Vincent.
Magaan nyang hinawakan ang kaliwang kamay ko habang ang isang kamay naman nya ay nasa monibela.Paminsan minsan ay tinitignan nya ako,at hinihintay ang sagot ko.
"Ahm,I dont know" saad ko "Actually hindi ko alam kung anong mararamdaman ko,hindi ko alam kung natatakot ba ako? O gusto ko parin yung parte na posible ko ngang maalala ang ibang nawalang alaala sa isip ko"
Naramdaman kong mas humigpit ang hawak ni Niko sa kamay ko.Kapagkuwan dinala nya ito sa kanyang labi at hinalikan ito.
Sya nga pala si Niko,ang malambing na taong nakilala ko.
"Dont worry,Im here" saad nya "And beside...hindi ka ba napapagod?"
Hindi ako umimik.
"Its been six year,sobrang tagal na para sa isang amnesia na meron ka" bumuntong hininga ito "Systematize Amnesia.Ang pagkakaalam ko maaring tumagal lang ang bagay nayan sa isang tao either weeks or month" saglit itong tumingin sa gawi ko.
"But Rigel,sayo...anim na taon? Its a very rare naiintindihan mo ba? Bibihira ang mga taong nagakakaron ng ganyang katagal na amnesia,lalo na't Systematize Amnesia lang ang meron ka.Its either months nga lang dapat nakaalala ka na ng ibang nawala sa isipan mo e.But for a year?...gaano ka ba talaga kaapekto sa mga taong yun? Ano bang ginawa nila para magka ganyan ka?"
Rinig sa boses ni Niko ang bitter.But I remain silent at nakakatitig lang sa gawi nya.Hindi ko rin alam ang sagot dahil oo,wala nga akong maalala.
"Kung natatakot ka,Im here" muli nyang saad "Bumalik man lahat? Masakit man yun o masaya nandito ako...tutolungan kita"
Napabuga ako ng hininga,kapagkuwan ay itiningin ko ang mata sa daan.
Masaya ako na kahit papano ay may isang tao na gumagabay at handang protektahan ako.Hindi ko lang sya nakita noon kahit ang tagal nanaming magkasama.
BINABASA MO ANG
Why I Love you? MR.CEO (BXB)
RomanceRigel Canceran is a gay.He knows it already,at hindi nya iyun ikakaila sa sarili.Pero sadyang malupit ang tadhana para sa kanya,dahil ang makulay nyang buhay ay unti unting masisira dahil sa mapanakit na mga tao sa paligid nya. Sa hindi malamang kad...