Anjyl POV'
"Ano iiyak ka nalang ba dyan?" said by Hugo "Magmumokmok ka nalang ba lagi? Lagi mo ba ipaparamdam sa sarili mong talunan ka?"
Napatingin sya sa kausap.
Bakas ang awa sa mga mata nito sa kanya at ito ang ayaw nyang makita sa ibang tao dahil iba ang pag kakakilala nya sa isang Anjyl Margaritha Agribante.
She owns everything that she wants.
Hindi sya basta basta nagpapatalo sa kahit sino man because she learn from herself that being weak is a curse that you could get in this cruel life if mahina kang nilalang.
At dahil nasa magulong mundo sya ay hindi nya hahayaan ang sarili na api-apihin at talunin lang ng kahit sino.Dapat sya ang mas malakas,dapat sya ang laging panalo sa laban ng buhay,dahil simulat sapol naman ay sarili nya ang inaasahan magmula ng mawala ang kanyang mga magulang.
Tila required na sa kanya ang maging malakas,tila required na sa kanya ang maging matapang upang hindi sya matapakan ng iba.
Ngunit hanggang kalian? Hanggang kailan na ipapakita nya sa lahat na dapat sya ang kinatatakutan,na sya dapat ang tinitingala.
Hindi sa pagmamayabang dahil nagawa nyang makapag palago ng kumpanya sa edad lang na twenty five years old.Hindi sya sanay nang natatalo.Hindi sya sanay na dumapa dahil ang akala nya na sya na ang pinakamagaling.
Pero nagkakamali sya dahil nabubuhay lang pala sya sa isang malaking elosyon.At sa araw nato isinampal sa kanya ang lahat ng katotohanan na hindi lahat ng gugustohin nya ay kanya ring makukuha.
"Lumaban naman ako ah" saad nya habang patuloy parin ang pagluha "Lumaban ako Hugo paulit ulit ginusto ko sya.At pauli ulit kopa rin syang ginugusto kahit alam kona ang katotohanan..."
"Na sa simula palang ay hindi na ikaw ang mahal" dinugtungan ng Hugo ang sinabi nya.
Dahil ditto lalo pa syang na-iyak.Humagulgol na parang batang inagawan ng candy.
Pilit nyang inilalabas ang sakit sa pamamagitan ng pagiyak sa pag-aakalang mababawasan nito ang sakit mula sa dibdib.Ngunit tila lalo lang itong lumalala kapag naaalala nya ang sampal ng katotohanan.
Wala sya sa sariling umorder ng isa pang baso ng alak sa counter.At nang matanggap ito ay inisang tungga nya lang lahat.Batid nya ang pagaalala ng kasama sa kanya pero wala syang pakialam ditto dahil sa gabing ito...sya ang masusunod sa sarili.
Sa kabila ng pagpapakabaliw sa isang lalaki,ang pagikot ng perpektong mundo nya sa buhay nito.Na ang kalalabasan lang pala ay kanyang pagluha.Sa gabing ito,sa loob na makukulay at maingay na Bar na ito,walang pwedeng mangialam sa kanya na kung sino man.
Shes a heart broken right now...
"Sya lang ang taong minahal ko ng ganito" kapagkuwan ay saad nya "sa kanya lang umikot ang mundo ko.Ibinigay ko naman lahat ah,I help him,I sacrifice everything just to the right women in his life.Pero putcha..." natawa sya pagkatapos "Isang nag-ngangalang Rigel lang pala ang sisira ng lahat ng yun?.Isang baklita lang pala ang magpapalambot sa fiancé ko"
"Anjyl tama nayan" sinaway na sya ni Hugo na bakas na ang pag aalala "Gabi na oh..you know na that I cant carry you,baklang matona lang ako pero hindi ako kargador ng mga babaeng lasing no"
Napatitig sya sa matandang bakla kapagkuwan ay natawa sa inasal nito.Alam nyang lasing na sya pero alam nya parin na kahit kailan ay hinding hindi magiging lalaki ang kaibigan nya.
"mga bakla kayo...mga salot" kapagkuwang saad nya na ikinagulat ng kasama.
"Abay bastos na babaeng to" reklamo ng kasunod na lalo nyang ikinatawa.Tumayo ito sa tabi nya habang hawak ang telepono "Im sorry Anjyl,I know na you are my bestie pero hindi talaga kita kayang buhatin..malala na ang alak sa katawan mo.Kaya wala na akong choice tatawagan ko na si Niro para sundoin ka na"
BINABASA MO ANG
Why I Love you? MR.CEO (BXB)
RomanceRigel Canceran is a gay.He knows it already,at hindi nya iyun ikakaila sa sarili.Pero sadyang malupit ang tadhana para sa kanya,dahil ang makulay nyang buhay ay unti unting masisira dahil sa mapanakit na mga tao sa paligid nya. Sa hindi malamang kad...