CHAPTER 52

178 13 0
                                    


Ardy POV'

          The moment he saw the fragile boy.He knows that time will be change.Magbabago na ang lahat sa kanya dahil sa unang pagkakataon,lulan na puno ng sakit ang puso nya ngayon lamang uli iyong tumibok.At sa isang tao...isang binata na hindi nya inaasahan.

Hindi nya alam na yung taong ito ay magpapabago ng takbo ng buhay nya.Magpapabago ng mga pananaw nya sa buhay.Ang magbibigay direksyon sa naliligaw na sarili.

Nang matagpuan nya ang isang tao na dahilan ng lahat...isang bagay lang ang tumatakbo sa kanyang isipian.Nais nya itong makilala,nais nyang gawin ang lahat upang mapansin sya nito.

Hindi nya lang alam ang gagawin,masyadong bago sa kanya ang nararamdaman.Hindi nya pa ito maintindihan.Lalo na't ang nararamdaman ay alam nyang hindi pangkariniwan sa sarili.

Kung kayat pinagsisihan nya ang araw na kung paano sila nagkita,dahil yun yung araw na punong puno ng galit ang puso nya.Yun yung araw na nais nyang mawala ang sakit,alisin ang lahat ng hapdi na nararamdaman sa dibdib.

At ibinuhos nya iyun sa isang walang kalaban lalabang tao,na hindi nya alam ay pagsisihan nya sa sarili.Binugbog nya ang isang inosenteng binata at nakita lahat yun ni Rigel sa unang pagkakataon.

Napatingin sya sa mga mata ng binata habang ginagawa ang isang bagay na iyun,at ang nakita nya ay isang takot na karaniwang nakikita nya sa mga taong sinasaktan nya.

Gumuhit sa kanyang puso ang sakit dahil sa unang pagkakataon na nahanap nya ang pambihirang pagmamahal.Nabahiran na ito ng takot at sakit.

Sa paglisan ng binata nung araw nayun,dito sya nagsimulang kumilos.Nais nyang malaman ang lahat lahat sa buhay nito.

Nagsimula sya kung anong hilig ng binata,anong paboritong kulay at sinong artista ang hinahangaan nito sa television.Nais nyang malaman ang lahat lahat ditto maging ang mga ayaw at kinaiinisan nito.

Kahit pa ang paborito nitong pagkain,paboritong palabas at kahit pa ang gamit nitong sabon.Alam nya na aabot sya sa puntong baka madisturbo na nya ang buhay ng binata.Ngunit ito lamang ang nakikita nyang paraan upang maibsan ang nagtatagong kalungkutan sa sarili.

Ang maging stalker nito.

Kung babalikan man ang kanyang nakaraan.Bata palang ang isang Ardy nang mawala ang kanyang mga magulang.Tinanong nya ang panginoon kung bakit binawi sa kanilang magkapatid ang tanging yaman nila.Gayong nagging mabuting bata naman sya,naging matalino sa iskwelahan at ginalingan sa ano mang larangan ng mga kumpitisyon.

Ngunit nawala padin sa kanila ang pinakamamahal na magulang.

Kung kayat sa araw na tila pinagsakluban sila ng langit at lupa,tinanggal nya ang makapal na eyeglasses sa mata.Inayos nya ang magulong buhok,nagpantasyang palakihin ang katawan....pinatapang ang sarili.

Magmula noon nagging matapang ang isang Ardy Agrebante.Hindi nya hinayaang apihin sya nang kung sino man.Siguro ito talaga ang dahilan kung bakit kahit kailan ay hindi nya makuha ang loob ng isang Rigel,dahil hinayaan nyang magpakain sya sa galit.

Ginamit nyang dipensa ang pagiging matapang upang pagtakpan ang nagtatagong kalungkutan.Ngunit hindi nya inaasahan na sa gitna ng kanyang katapangan.Matatagpuan nya ang pag-ibig na magpapahina sa kanya.

Takot sa una ang kanyang naramdaman,ngunit hindi maitatanggi ng kanyang mga ginawa sa likod ng mga mata ng iba,ang lahat ng tungkol sa binata.

Nagsimula sya sa isang Facebook account.Nandoon nakapaloob ang pangalan ng binata.At ang profile picture nito.Isang magandang mukha para sa kanya ang lagi nyang tinitignan sa loob ng profile ng binata.

Why I Love you? MR.CEO (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon