CHAPTER 14

436 28 13
                                    

Warning ⚠ Pligiarism is a crime.Pwede mong basahin.Pero wag mong nakawin.

AN:Medyo matagal ang update no? Sana may bumasa pa.Sorry sa paghihintay,medyo busy lang nitong nagdaang weekend.Lahat naman tayo e,so enjoy guys!

Happy reading 💕


"Rigel,pwede ba kitang ligawan?"

Siguro,kung kaya kong sukatin kung gaano kabilis ang pagtama ng liwanag sa paligid.Malalaman kong mabilis din ang sinabi ni Niro sakin.

Hindi ako nakapagsalita.Napatitig lang sa kanya at hindi alam ang isasagot.

Tapos naalala ko yung unang araw na nilapitan nya ako mula sa field.Yung araw kasi nayun,sinabi nya ang bagay na ikinagulat ko din.Pero ayun,diretsyahan.Wala nang ligaw ligaw at pagkilala sa sarili.

Kinilig ako sa bagay na sinabi nya.Pero hindi ako naexcite.Biglaan kasi yun,tapos parang hindi sincere.Pero sa oras nato,nung sinabi nyang gusto nya akong ligawan.

Parang nafeel ko yung sinsero kesya nung sinabi nya saking maging kami'- agad agad.

Kaya ako,napatitig lang ngayon sa kanya,sa mga mata nya..Ambilis ng tibok ng puso ko.Tapos,pagkatapos ng moment.May tumunog,yung cellphone ni Niro.

Tumugtog ang hindi pamilyar na kanta.

Saglit kaming natigilan.Bago nya ilabas ang cellphone sa bulsa.Pinagmasdan ko yun,tapos hindi ko sinasadyang mabasa yung pangalan ng tumatawag.

'Bruh Tyron.

Napaisip ako,ito yung lalaking lumapit din kay Niro nung araw nayun.Tapos naalala ko yung sinabi nya.

Si Niro naman,nakita kong parang nahiya sakin.Inilahad nya ang kamay sa harap ko para mag excuse.Sasagutin nya yung tawag medyo malayo sa harap ko.

Tapos maya maya,nakita kong parang kumukunot ang noo nya.Tila hindi sila nagkakaintindihan ng kausap kasi napapahawak pa sya sa noo nya.

Ano kayang meron? Mula ng makita ko yung Tyron nayun.Pagkasama nya si Niro,parang may itinatago sila na isang bagay.Yung dapat hindi malaman ng lahat.

Para syang namomoblema at hindi ko alam ang dahilan.

Inisip ko si Tyron,ano bang meron sa lalaking yun.Bakit parang masama yung pakiramdam ko sa kanya.Ako lang ba o yung instinct ko narin mismo.

Napabuga ako ng hangin.Kinapa ko yung dibdib ko.Mabilis parin yung pagtibok lalo na nung napatingin ako kay Niro.
Nagkatitigan kami,tapos yung mukha nyang nakakunot noo.Nung saglit na magtama ang mga mata namin,biglang naging maamo.Ngumiti nanaman sya ng matamis na nagpapagaan ng loob ko.

Pero sa isang banda,dahil sa ipinakita nya.Alam ko,may itinatago si Niro.Hindi ko gusto malaman pero parang kusang gumagana ang kuryosidad ko.

Masasaktan kaya ako dito?

"Sorry..." Saad ni Niro nang muli syang lumapit sakin.Para syang nahihiya naewan.

"Ok lang" nakangiti kong sagot.

"Pakiramdam ko mangyayari talaga yun,the moment nung tinanong kita"

Kumunot ang noo ko "Alin? Yung pagtawag?"

Tumango sya."Nangyayari naman talaga yun diba? Sa mga teleserye o sa mga movies?" Saad nya "Tatanungin kita about sa bagay na magugulat ka tapos may tatawag"

'Hindi lang naman sa teleserye nangyayari ang ganun.Sa mga wattpad din.

"Pero ok lang na may tumawag din" dugtong pa nya "Atlis naputol ang usapan natin...alam ko namang wala ka pang sagot diba?"

Why I Love you? MR.CEO (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon