CHAPTER 19

337 24 4
                                    

AN:Grabe sobrang tagal ko di nagupdate.Mapapatawad nyo paba ako? Hehe sorry talaga.Ito na last nato.Next batch of update,ten years after na nakalipas HAHA Luv u.

Thank you sa mga commentors.Sige lang ploka lang kayo ng mga rants nyo.Magpapaupdate nyo ako hehe

Rigel POV'

PAGKABUKAS ng pinto ng kwarto.Nagulat ako ng bahagya akong itulak ni Ardy papaloob.

Sabi ko na,ito ang tactics nya para lang masaktan ako.Pero inihanda ko kaagad ang sarili ko lalo nang marinig ko ang pagsara ng pintuan.

Unti unti,humarap ako sa kanya.Habang nagmamalabis ang luha sa pisngi ko.

"Your crying?" Tanong nya "wala pa akong ginagawa umiiyak kana?"

"Tapusin mo na ang gusto mong gawin sakin Ardy" saad ko "Saktan mo na ako kung sasak-"

Natigil ang sasabihin ko ng biglang lumapit sakin si Ardy.Gamit ang labi nya,hindi na ako nakapagsalita dahil sinalat nya na ito ng mainit na halik.

Ito nanaman sya,ayaw nya sa mga bakla.

Ayaw nyang maging bakla.

Ayaw nya ng nararamdaman nya sakin.Pero sya parin ang halik ng halik sakin na para bang gusto nya ang nangyayari.

Ang kumplikado ni Ardy.Hindi ko sya maintindihan.Kaya para malinawan ako sa mga nangyayari.Naglakas ako ng loob para pigilan sya.

Inilayo ko ang bulto nya sa pagkakatulak ko sa dibdib nya.Natigilan sya nun,nagulat at nasaktan.

"Wag mo na akong paglaruan" mahinang saad ko "Hindi mo pwedeng gawin sakin to dahil lang sa nararamdaman mong kakaiba sa sarili mo,hindi ako testingan lang Ardy.Stop all of this"

Napakagat sya sa ibabang labi.
"Naiinis ako dahil nararamdaman ko to sayo" ani nya.

"Why do you need to kiss me...stop kissing me Ardy" saad ko "Kung naiinis ka bakit mo ako hinahalikan? Kung naiinis ka dahil nagkakagusto ko sa lalaki,bakit ipinaparamdam mo saking gusto mo ako"

"Hindi kita gusto"

"Pwes tigilan mo ang paghalik mo sakin" saad ko "Iba ang gustong mangyari ng katawan mo sa iniisip mo.Pinapahirapan mo lang ang sarili mo"

"Mas gusto mong saktan kita kesa halikan kita sa labi?"

Natigilan ako sa sinabi nya.Wala akong maisip na sagot dahil parehas kong hindi gusto ang ginagawa nya sakin.

"Sumagot ka Rigel"

"Wag mo nalang akong pansinin Ardy,lumayo ka nalang sakin" saad ko "Tigilan mo na ako kung natatakot kang nagkakagusto ka sa lalaki.Hindi pananakit o wirdong paghalik sa kinaiinisan mo ang pagaalis ng pakiramdam nayan"

"Anong gusto mong gawin ko?"

Tinignan ko sya sa mata.
"Iwasan mo na ako" sagot ko "Tigilan mo na ako at layuan mo na ako.Dahil sa tuwing lumalapit ka sakin,baka lalo ka lang magulohan.Hindi ako punching bag para pwedeng suntok suntokin o sipain pag nakakaramdam ka ng pagkagusto mo sa lalaki.Hindi rin ako pokpok na kapag nangangati yang labi mo ay pwede mo akong halik halikan kung kailan mo gusto"

Huminga ako ng malalim.

"Kung alam mong mali yang nararamdaman mo para sakin.Lumayo kana at umiwas.Wag mo na akong saktan,wag mo na akong paglaruan"

Matagal syang hindi nakapagsalita bago basagin ang ilang segundong katahimikan.

"Tatanggapin mo ba ako kung hindi na kita gustong saktan?" Tanong nya.

Why I Love you? MR.CEO (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon