CHAPTER 44

213 20 0
                                    

AN:Diko alam kung kelan uli makapag update.Sa ngayon ito na muna.Thank you for reading.

Happy reading 💕

Rigel Pov'

Binuksan ni Niro ang maliit na pintuan.Pagkatapos ay lumabas kami doon.

Tumambad saamin ang malamig na simoy ng hapon.Kitang kita rin ang papalubog na araw,ang kulay orange na kalangitan dahil sa hapyaw na liwanag ng araw ngayon.

Hapon na,at ito ang tamang oras na nakapagbibigay ng magaan na pakiramdam.Naka hawak padin sa kamay ko si Niro hanggang sa makarating kami sa mahabang upuang kahoy.

Bumitaw lang sya nang umupo kami doon.Nabalot ng katahimikan ang paligid.Kapwa kami napatitig sa papalubog na araw sa harap namin.

"Bakit ganon…" Mahinang saad nya kapagkuwan,habang nasa sunset parin ang mga mata.Napatingin naman ako sa kanya "Pag ikaw ang kasama ko…wala akong pakialam sa mga tingin ng iba.Wala akong pakialam sa bulongan nila…o kahit sa mga sasabihin nila saatin"

"Bakit mo ginawa yun?" Tanong ko "Alam mong nasa paligid lang si Anjyl,kalaunan malalaman nya to…ikakasal na kayo hindi ba?"

"Mali bang hawakan ang kamay mo Rigel?" Bigla akong natigilan sa sinabi nya "Ano naman,kung ikakasal na kami.E kasal kasalan lang naman yun e"

Hindi ako umimik.Sa halip ay umiwas ako sa mga mata nya.

Akala ko muli nanaman kaming babalutin ng katahimikan ngunit bahagya akong nagulat nang bigla itong humiga.

Hindi ako nakagalaw sa kinauupoan ko lalo na't ginawa nitong unan ang binti ko.Ipinikit nito ang mga mata bago magbitiw ng buntong hininga.

"Ikaw ang pahinga ko Rigel" ani nya "Hindi mo lang alam kung ilang beses kita gustong iwasan.Hindi mo alam kung ilang beses akong natakot…sa inyo ni Ardy"

"Niro…"

Sa totoo lang hindi ko alam ang sasabihin ko.Basta,
nararamdaman ko nalang ang sobrang pagbilis ng puso ko.

Hindi ko rin alam kung masaya ba ako basta…gusto ko ang sinabi nya.Gusto ko na ako yung pahinga nya…

Hindi ko namalayang nakatitig lang ako sa mukha nya,sa mga matang nakapikit at sa labi nyang manipis.Ang gandang pagmasdan.Ang sarap titigan…kagaya ng papalubog na araw.Para bang ang sarap pagmasdan hanggang sa tuloyan na itong lumubog at mawala.

Natigilan ako sa salitang mawala…

"Mawawala ka ba saakin Niro?" Hindi ko namalayang tanong.Dapat nasa isip ko lang yun ngunit hindi ko alam kung bakit bigla ko itong nasabi.

Hindi ko namalayan na dumilat na pala sya at napatitig sa mga mata ko."Ako dapat ang magtanong nyan Rigel" ani nito "Mawawala kaba sakin?"

Muli kaming binalot ng katahimikan.Nang hindi ako nagsalita.Dito nya hinawi ang nililipad ng hangin na buhok ko.Maya maya bumaba ang kamay nya sa pisngi ko at masuyo nitong pinadaplis doon ang hinlalaki nito.

"Marami na ako nagawang kasalanan sayo Rigel" saad nito "At hindi mo na ako mapapatawad sa mga gagawin ko pa…patawarin mo ako pagnagkataon hah,hindi ako magsisinungaling.Mahal na mahal kita"

Hindi ko alam kung bakit namugto ang mata ko sa sinabi nya.Maya maya ay bumangon ito sa pagkakahiga at umupo sa tabi ko.

Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko.Pinunasan nya din ang luha sa ilalim ng mata ko bago ito tumulo.

Maya maya pa ay ngumiti ito saakin.

"Ako na ata ang pinaka tangang tao sa mundo Rigel" saad nito "Noon pa man,palpak na ang mga desisyon ko sa buhay.May muntik na akong mapahamak noon at hindi naman ito nalalayo ngayon" mapait itong tumawa kapagkuwan "Hindi ko alam kung bakit inuulit ko nanaman yun…wala akong choice patawarin mo ako Rigel"

Why I Love you? MR.CEO (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon