Chapter 35
Ikatlong Persona
Nanlaki ang mga mata ni Errol at napahawak sa kaniyang dibdib. Nanatili siyang nakatingin sa maputik na lupa na kanilang tinatapakan na puno ng mga bato't mahahabang damo. That moment, he knew that something is wrong. . . 'Di niya inalis ang palad niya sa kanyang dibdib at kasabay ng pagtulo ng pawis sa kanyang mukha.
He can feel what she feels. He can feel her emotions. . . She's scared, lonely and lost.
Gumala ang paningin ni Errol kung saan siya nakatayo. The trees looked different. . . for it's gloomy and lifeless. Ang mga damo'y tila lanta na't malayong-malayo sa itsura nito kanina. Dumilim ang paligid at lumamig ang hangin. At first glance, he knew that they were in danger.
Siena.
He called for her inside his mind. . . hoping that she can hear him, hoping that she'll respond.
"Oi! Ano ba'ng tinatayo-tayo mo riyan! Tsk!" Lumingon sa kanyang likod si Koen upang tingnan ang kasama niyang si Errol. Napakamot siya sa ulo't napailing. Sa lahat ng p'wede niyang maging kapareha'y bakit siya pa? Kung pwede namang si...
Napataas ang kilay ni Koen nang makitang nakatingin mula sa malayo si Errol. Ang mukha nito'y blanko at seryoso. At ang mga mata niya'y minamanmanan ang paligid. Hindi mapigilan ni Koen na taasan siya ng kilay dahil sa inaakto nito dahil bakas din sa mukha ng kanyang kasama ang kaba't takot.
"Ano'ng ginagawa mo diyan?" Nagtatakang sabi ni Koen ngunit hindi man lang lumingon si Errol sa kaniya. Nakatayo lang ito at nagmamasid sa paligid. Pagkatapos ng ilang segundo ay nagtaka siya dahil lumingon ito sa kanya habang nanlalaki ang mga mata't nagmadaling tumakbo papunta sa kaniya.
"O-oi! Ano ba ang problema m-" Naputol ang mga sasabihin ni Koen dahil sa sunod na nangyari.
Errol raised his palm in the mid air then a blue magic circle appeared beneath their feet on the ground they've stepped on and blue flames ignited. The magic circle has the symbol of The Eye of Horus, the great protector. Then the next thing they new, they were trapped inside a barrier.
"Hoy! Hoy! Hoy! Ano'ng ginagawa mo?! Ano'ng nangyayari!" walang tigil na singhal ni Koen at luminga-linga sa paligid ngunit wala siyang makita kundi mga puno't damo. Huli na nang napagtanto niya na dumilim ang paligid at ang mga nilagay nilang dekorasyong ilaw sa mga puno'y nawala.
Isang halakhak ng bata ang kanilang narinig. Ang boses nito'y matinis at mataas ngunit ang boses nito'y nakakakilabot. Nagsitaasan ang buhok sa katawan ni Koen at siya'y napakapit na lang sa braso ni Errol at sumiksik sa tabi nito.
"P-pu-pu-putcha!" singhal ni Koen sa kanyang tabi. Ginala niya ang kanyang paningin sa paligid at pinikit ang kanan niyang mata't tiniis ang kanyang naririnig. Nanatili namang nakatayo sa kanyang tabi si Errol habang ito'y tahimik na nagmamasid.
"O-o-oi! Naririnig mo ba ang naririnig ko?!" bulaslas ni Koen at isang tingin naman ang tugon ni Errol bilang pagsang-ayon sa kanyang tanong.
The barrier Errol created became thicker. Blue fire burns on the ground they're stepping on and Koen just kept staring at the symbol below. It is called the eye of Horus that represents the sun. It is a symbol of a left eye with a long teardrop and a curvy line on its end. He never saw something like this before.
Isang kakaibang presensya ang naramdaman ni Errol at gustuhin niya mang tumakbo papunta sa dalaga'y hindi niya magawa dahil 'di niya rin p'wedeng iwan si Koen sa kaniyang tabi.
BINABASA MO ANG
Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC
FantasyWattys Shortlisted. A group of high school theatre performers found an old and strange manuscript by an unknown playwright and used it for their final play. Alysa Espanosa, a member of the group discovered something bizarre. ... that everything wr...