This might be helpful to understand this Chapter thoroughly.
• Deno (place) - A small market where people sell fruits.
• Automaton - A moving mechanical device made in imitation of a human being.
• Fierro - A place where prostitution is legal.
______
Chapter 3
Ikatlong Persona
Hindi mapakali si Danica habang nakaupo at ramdam niya ang pamamawis ng kanyang mga kamay habang hawak ang mga lumang pahina ng manuscript. Nilibot niya na ang park at kahit saang sulok niya hanapin ang kaklase niyang si Alysa ay hindi na ito makita.
Pumikit siya at nasapo ang kanyang noo habang humihingal. Kasabay ng pagtulo ng pawis sa kanyang mukha ay paulit-ulit niyang iniisip kung totoo ba ang nakita niya kanina.
Gusto niyang sabihin ang nasaksihan niya at iniisip niya kung mayron bang timang na maniniwala sa kanya.
She saw a red light in her classmate's body before she disappeared.
Nagsimulang manginig ang kamay niya nang ituon niya ang tingin niya sa manuscript. Nang mawala ang kaklase niya ay tuluyan nang naging blanko ang lahat ng pahina nito. What the hell is happening? How could this happen? Am I going insane? she thought.
Napatulala na lang siya habang nakatingin sa blankong pahina ng manuscript dahil 'di niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin. Hindi niya alam kung paano naglaho ang kaklase niya at kung saan ito napunta. Ang nasaksihan niya ay mahirap paniwalaan.
Nanlaki ang mga mata niya dahil unti-unting lumitaw ang bawat letra sa manuscript. Sa takot niya ay binato niya ito dahilan para lumingon sa kanya ang dalawang estudyanteng naghaharutan sa gilid.
Inirapan niya ang mga ito at binalik ang tingin sa manuscript na natabunan na ng konting buhangin. How come they didn't see what happened? nangunot ang noo niya sa kanyang naisip. Hindi lang siya ang tao sa park ngunit siya lang ang nakakita sa nangyari sa kaklase niya.
Nanginginig ang kamay niya nang punasan niya ang kanyang pinagpapawisang mukha. At lakas loob niyang hinakbang ang mga paa niya palapit sa manuscript.
Napuno ng pagkalito, takot at kaba ang sistema niya nang mabasa niya ang mga nakasulat doon. Tinitigan niya pa ang manuscript para ikumpirma kung totoo ba ang nakikita niya.
Tatlong beses niyang inulit ang pagbabasa sa nakasulat doon at sa huli ay nakumpira niya na ang mga nangyayari sa kaklase niya ay lumilitaw sa mga pahina nito at napatakip siya ng bibig at hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya.
Ang kwento sa manuscript ay nagbago at ang kaklase niya ang naging bida sa loob nito.
Magkasalubong ang mga kilay ni Siena habang nakatingin sa estrangherong nakahawak sa pulso niya. Sinubukan niyang magpumiglas kanina ngunit masyadong mahigpit ang pagkahawak sa kanya.
"Ano ba! bitawan mo ako!" singhal niya at nagsimulang mag-init ang mga pisngi niya dahil sa inis. Ginulong niya ang mga mata niya habang nakatingin sa lalaki dahil kanina pa siya nagtitimpi.
BINABASA MO ANG
Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC
FantasyWattys Shortlisted. A group of high school theatre performers found an old and strange manuscript by an unknown playwright and used it for their final play. Alysa Espanosa, a member of the group discovered something bizarre. ... that everything wr...