Prologue

19.7K 1.2K 224
                                    

Alysa Espanosa

"Spill it," madiin kong sabihin at 'di inaalis ang aking tingin sa unang pahina ng aklat na binuklat ko. "Kung may gusto kang sabihin sa akin ay sabihin mo na habang nandito pa ako." dagdag ko. Nanatiling walang emosyon ang aking mukha.

Kahit 'di ako lumingon sa kaniya'y alam kong nakatingin siya sa akin. Siguro'y nagtataka siya dahil nagsalita ako ng Ingles dahil alam kong 'di nakakaintindi ng wikang iyon ang mga nakatira sa nayon na ito.

I don't care. I can say whatever I want. I can do whatever I want. No one can stop me.

"A-re..." bitin na sabi ni Shaja kaya 'di ako nagdalawang isip na lumingon sa kaniya. Binaba ko ang aklat na hawak ko at hindi rin ako kumurap habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko aalisin ang tingin ko sa kaniya hanaggang hindi siya nagsasalita.

"K-kilala ko ang salarin sa nangyari sa kubo," nauutal niyang sabi't umiwas ng tingin sa akin. "Ang salarin ay walang iba kundi ikaw, A-re." Binalik niya ang tingin niya sa akin upang titigan ako sa mga mata. Tinitigan ko siya't katulad ng dati'y 'di ako nagsalita.

"May pruweba ka ba na ako ang salarin?" diretso kong sabi at bago pa siya makapagsalita'y ako rin ang sumagot sa tanong ko kanina.

"Pruweba mo ang kapangyarihan mo, 'di ba? Nakikita mo ang emosyon ko. Alam mong ako ang totoong salarin sa nangyari sa kubo kaya para saan pa't tatanungin mo ako? Para marinig mo na manggaling mismo sa akin ang totoo?" walang preno kong sabi dahilan upang itikom niya ang kaniyang mga labi.

Mula sa aking puwesto'y napansin ko pa ang pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata. Sa isip ko'y napasapo na lang ako ng noo dahil mukhang iiyak na siya sa tabi ko. Yeah, right as I thought. . .That's why I seldom speak because people always understood me.

"Huwag ka namang magalit sa akin, A-re." Nabasag ang boses niya't ano mang oras ay iiyak na siya sa harapan ko. "P-pasensya na dahil gusto ko lang naman kumpirmahin kung hangin ba ang kapangyarihan mo... dahil ikaw ang unang taong nakita kong nagtataglay ng kapangyarihan na 'yan." Tinago niya ang mukha niya gamit ang itim at mahaba niyang buhok.

"Hindi ako galit," maiksi kong sabi. "Ang sa akin lang ay ikaw at ikaw lang ang makakaalam kung nagsasabi ba ng totoo ang isang tao o hindi. Kung tatanungin mo sila'y maari silang magsinungaling sa iyo." dagdag ko.

She pouted at me. Paglaan ng ilang segundo'y nagulat ako dahil tumalon siya sa akin at niyakap ang beywang ko. Hindi ako nakapagsalita't ramdam ko na lang na basa na ang suot ko dahil sa luha niya. Napahilot na lang ako ng sentido. Sana'y 'di na lang ako nagsalita kanina. Sinasabi ko na nga ba eh.

Katulad ng magiging reaksyon ng isang tipikal na tao'y hinaplos ko ang likod niya habang nakabaon ang ulo niya sa aking hita. Napatitig na lang ako sa likod niya't napaisip sa sinabi niya kanina.

I am the first person she witnessed who controlled the wind.

Bukod sa nangyari sa kubo noong nakaraang araw ay isang pangyayari rin ang sumagi sa isip ko. 'Di ko ba alam kung totoo ba ang mga nakikita ko noong oras na iyon o hindi. Tuwing naiisip ko'y nalilito ako't lalo na dahil isang mukha ng lalaki ang tumatak sa isip ko.

At that moment I saw everything around me paused, like time itself was frozen. And the bizarre thing is I saw a man from afar, staring at me like he was the one controlling time.

Natigilan ako sa pag-iisip nang tumahan na si Shaja at pinunasan ang kaniyang luha. I smiled at her. Kinuha ko ang mga dala kong aklat dahil sigurado akong may gusto ring umupo sa puwesto ko kanina't magbasa. At tulad nga ng iniisip ko'y isang batang lalaki ang pumunta palapit sa amin. Nakangiti ito't dala ang maliliit na aklat na sa tingin ko ay story book.

Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon