Chapter 30
Alysa Espanosa
Sa buong durasyon na nakaupo kami rito sa kubo'y nakatuon lang ang atensyon nila kay Glo. They're all looking at him, as if they're watching his every move. Kulang na lang ay pati ang paghinga niya ay obserbahan nila. My forehead knotted. What the hell is wrong with these guys?
Ang kubo na pinuntahan namin ay nakapwesto sa gilid. Nakahelera ang mga kubo't pinupuntahan ng mga bata at mga matanda upang magpahinga sa paglalakad. The lights around the hut looks lively, for it is blinking. Ang mesa sa aming harapan ay puno rin ng mga pagkain na 'di ko matukoy kung ano.
"Kami ay naglalakbay din katulad niyo." Nakangiting sabi ni Tobias sa aming tapat. His hair is golden brown in contrast to his deep black eyes. Sakto ang kanyang pangangatawan at maputi ang balat.
Sa kanilang lahat ay mukhang siya lang ang matinong kausap. He talks casually and he has this aura telling me that he can be trusted. It looks like he's the one who leads his group too. Malumanay ang boses niya kung magsalita at marunong din siyang manahimik upang makinig.
"Ang grupo namin ay mula sa timog at ang nayon na ito'y ang huli naming destinasyon." Nanatiling nakangiti ang lalaki sa harap namin at ako ang naiilang dahil ilan sa mga kasama niya'y nakatingin kay Glo. Pagkatapos kaming harangan ay kinausap ng isa sa kanila si Flyn upang kausapin kami't may ipaliwanag.
One of them was a huge guy with tanned skin and a hair as black as the night. His name is Owen. Nakayuko siya't mukhang nahihirapan habang nakaupo dahil sa kanyang laki. Mapapansin din ang batak niyang katawan.
Castor had ash brown hair and was sitting alone in the corner. Looks like he doesn't like to socialize and doesn't give a damn to us. Nakatingin siya sa mga naglalakad na tao at may sariling mundo't mukhang walang paki sa amin. Sa kanilang lahat ay siya ang 'di ko pa naririnig magsalita.
While Eaton is listening attentively beside Tobias, the guy talking in front of us. Sa mukha ni Eaton ay agaw pansin ang isang malaking sugat na animo'y kinalmot ng isang tigre. The length of the scar starts from the level of his ear to his cheek and it looked extremely deep. His hair was grey and has set of emerald guys.
"Ang aming grupo ay nabuo limang dekada na ang nakalilipas at ang ilan sa amin ay nakaharap ang mahal na Azura. Ang iba pa naming kasamahan ay nagpapahinga sa isang kuweba sa silangan."
Napataas ang kilay ko dahil sa sunod niyang sinabi. 'Di ko alam kung tama ba ang narinig ko ngunit bakas sa kanilang mukha na totoo ang sinabi ng kanilang kasama. Tinitigan ko sila isa-isa't mas lalo akong nagtaka. They look normal but why they are talking odd?
"Limang dekada?" Flyn asked for clarification and the man sitting in front of us proudly nod his head.
"Ha?" Nakangangang sabi ni Koen habang nakahalukipkip sa tabi ko't napaurong ako dahil sa lakas ng boses niya. 'Di ko maintindihan kung ba't kailangan niyang sumigaw kahit malapit lang ang kausap niya. 'Pag napuno ako ay tatapalan ko ng duct tape 'tong bunganga ni Koen!
Nagsiksikan sila Errol at Tyler sa gilid. Samantalang si Neo ay nasa labas ng kubo at mukhang walang balak na makihalubilo sa amin. Dumako ang mga mata ko kay Glo dahil kanina pa siya tahimik at panay ang iwas ng tingin sa mga kausap namin. At nakaupo naman sa kanyang tabi si Deus.
BINABASA MO ANG
Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC
FantasyWattys Shortlisted. A group of high school theatre performers found an old and strange manuscript by an unknown playwright and used it for their final play. Alysa Espanosa, a member of the group discovered something bizarre. ... that everything wr...