Chapter 62
Ikatlong Persona
Ang ere'y napuno ng 'di matukoy na bagay. Ang mga ito'y mas maliit pa sa hinliliit ng isang tao't kung lumutang sa ere'y mas magaan pa sa bulak. Ito ang bumungad kay Neo sa kaniyang pagdilat. Magkasalubong ang mga kilay niyang tinitigan ang kisame dahil 'di niya natatandaang humiga't natulog siya sa sahig.
"Kamusta ang kalagayan mo?" Isang pamilyar na boses ang narinig niya't paglingon niya sa gilid ay bumungad sa kaniya ang grupo ni Castor. Ang mga ito'y nakaupo't nakatayo sa gilid at kanina pa hinihintay ang paggising niya.
Mula sa pagkahiga'y bumangon si Neo upang pagmasdan ang paligid at siya ay labis na nagtaka. The place is full of people laying on the ground with their eyes closed. Ang mga iba'y hawak pa rin ang mga baso't alak. Ang iba'y may hawak na kutsara't tinidor na animo'y isang misteryosong bagay ang nangyari dahilan upang mawalan sila ng malay.
"Katulad ng nangyari sa kanila ay ika'y nadapuan din." Lalong nagkasalubong ang mga kilay ni Neo sa kaniyang narinig. Pagupo niya'y agad dumapo ang palad niya sa kaniyang bulsa't ito'y kaniyang kinapa. Nakahinga siya nang maluwag dahil naramdaman niya ang isang bagay na kailangan niyang ibigay sa isang tao.
Sa gitna ng pagkalito ay nangibabaw pa rin sa isip niya ang salamin na kailangan niyang ibigay kay Siena.
"Huwag kayong lalagpas sa puting guhit." Utos ni Castor habang ito'y nakaupo sa isang upuan na kaniyang hinila. Nakapatong ang isa niyang paa sa upuan na animo'y nanonood lang ng telebisyon sa loob ng bahay.
Nalilitong tinapunan ni Neo ang guhit na halos tamaan na ng kaniyang mga paa. The white circle surrounded all of them. 'Pansin niyang silang lahat na nakapaloob dito'y mula't gising kumpara sa mga taong nakapikit sa sahig. He wondered what happened.
Nakabuka ang palad ni Eaton at pilit na pinipigilan ang panginginig ng kamay. Napalunok siya't nanatili ang tingin sa mga bagay na lumulutang sa ere. Ito'y hugis bituin at sa unang tingin palang ay alam niya kung ano ang mga ito. At kung sino man ang may gawa nito'y tiyak na bihasa sa mahika.
"Ang mga nakikita mo'y nadapuan ng bagay na lumulutang sa ere." saglit na huminto sa pagsasalita si Eaton. "'Pag ika'y nadapuan ay mawawalan ka ng malay at mahuhulog sa malalim na pagtulog 'tulad ng nangyari sa aming kasama." Sunod na dumako ang mga mata niya kay Owen na nakapatong ang ulo sa balikat ni Tobias.
"But he's awake..." Tinagilid ni Castor ang ulo niya't tiningnan si Neo dahil ito'y nakaupo pa rin sa sahig habang bakas sa mukha nito ang pagtataka sa kanilang mga sinasabi.
"'Di na importante kung paano't bakit siya gising..." Humakbang si Eaton at napangisi. "Ang importante ay malaman natin kung sino ang may gawa nito't para saan." He moves his finger and the barrier that shields them thickens. The circle on the floor became thicker and glowed light with brilliance.
"Alam nating kung sino man ang may gawa nito'y tiyak na walang balak na masama." komento ni Tobias habang nakatingin sa ere't pinagmasdan ang animo'y mga bituin na dumadapo sa sahig. "Marahil ay ito lang ang tanging paraan na naisip niya upang hindi madamay ang mga inosenteng tao."
Hindi na bago para kila Castor ang mahika na ganito. The stars floating in the air make people fall into a deep sleep. 'Pag sila'y nagising at tiyak na wala silang matatandaan. Sumagi sa kanilang mga isip na siguro ay may nangyayari nang 'di maganda. Lalo na't 'di rin nila makita ang may-ari ng barko na si Cattelin na dapat ay naabutan nilang nasa silid na ito. How can she leave her passengers in this situation? Something smells fishy...
BINABASA MO ANG
Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC
FantasyWattys Shortlisted. A group of high school theatre performers found an old and strange manuscript by an unknown playwright and used it for their final play. Alysa Espanosa, a member of the group discovered something bizarre. ... that everything wr...