36 | The Wicked Night (3)

894 78 8
                                    

Hi! This a guide for you to understand this Chapter.

Tonfa - Also known as T-baton is a melee weapon.

Horus (843) - A god existed before Azura, the god of life. A god believed to be the strongest among three gods.
______________

Chapter 36

Ikatlong Persona

Binalot ng kadiliman ang paligid at ang mga magagarbong puno'y tila nalanta. Tumigil mula sa pagtakbo't hinihingal na napahawak sa kaniyang mga tuhod si Flyn habang siya'y nakayuko at nakatingin sa mabatong lupa. Isang oras na ang lumipas ngunit kahit anino ng dalaga ay walang nakita.

"Siena!" sigaw niya muli ngunit umalingawngaw lamang ang boses niya sa paligid. Napasapo siya sa kaniyang noo't pinunasan ang namumuong pawis. He brushed his hair as frustration consumes him.

Abala siya sa pagkukwento ngunit nang lumingon siya sa likod niya'y wala na ang kausap niya. Ang bilis ng pangyayari dahil sa isang iglap ay bigla na lamang nawala si Siena sa kanyang tabi.

Napahilamos siya sa mukha dahil pakiramdam niya ay wala siyang k'wenta. Sa bawat hakbang na ginagawa niya'y nabibigatan siya. . . na tila ba'y hirap na hirap siyang maglakad. Iisa lamang ang tumatakbo sa isip ni Flyn sa buong durasyon ng paghahanap niya. Ano'ng nangyari? Saan napunta ang dalaga?

Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kung may masamang nangyari kay Siena.

Flyn opened his palm and summoned his compass. Mahigpit niya itong hinawakan sa kaliwa niyang kamay at tinitigan. Huli niya itong ginamit noong sila'y naligo sa paliguan ng nayon. At sa 'di malaman na dahilan ay tinuro ng compass ang kinaroroonan ni Siena.

That moment, he wondered how and why. The compass that he possess has one function.

Ang compass na hawak niya ay kayang ituro at hanapin ang kinaroroonan ng sagradong hiyas. . . ngunit bakit si Siena ang nakita nila nang sundan niya ang pulang ilaw mula rito?

"Siena..." Isang bagay ang pumasok sa isip ni Flyn at noong oras na iyon ay doon siya nakaramdam ng takot. Taas noo siyang naglakad sa kagubatan at naging alerto. Sinara't binuka niya ang kanyang palad na nakatapat sa compass. A green glow comes from the middle compass, then it fires a red beam pointing somewhere else.

Tumakbo siya upang sundan ang ilaw na iyon habang hawak ang kaniyang compass. Sa bawat hakbang niya ay tanging ang mga tuyong damo at dahon lamang ang kaniyang naririnig. Lumiko siya habang nakatuon ang atensyon sa pulang ilaw na kanyang sinusundan.

Hintayin mo ako, Siena.

Inalis ni Flyn ang takot na namumuo sa kaniyang sistema't tinatagan ang kanyang loob. Nanatiling diretso ang tingin niya sa harap habang ang compass ay nakatapat sa kaniyang dibdib. Ang totoo'y hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin at hindi niya alam kung ano ang mga susunod na mga mangyayari sa kaniya.

Kasabay ng pagtakbo niya'y ang walang tigil na pagtulo ng pawis mula sa kaniyang mukha. Iisa lamang ang nasa isip ni Flyn habang sinusundan ang direksyon na tinuturo ng kaniyang compass. Sana'y hindi pa huli ang lahat. . . Sana'y ligtas siya. . .

The fact that his compass tracks Siena's location, worries him more.

Sa kabilang dako naman ay napuno ng ingay ang tahimik na kagubatan mula sa walang tigil na galaw ng mga bola. Walang tigil ang pagtalbog nito't pagtama sa balat ni Errol. Samantala ay humalakhak ang batang nakaupo sa bato habang tuwang-tuwa sa kanyang nasisilayan.

Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon