56 | The Lady Of The Ship (3)

518 48 6
                                    

Chapter 56

Ikatlong Persona

Isang mahigpit na yakap ang sumalubong kay Shaja sa kaniyang pagbaba mula sa barko. Sa kumpulan ng mga tao'y nanatili ang kaniyang tingin sa mukha ng nakatatanda niyang kapatid na si Antonio. Siya'y humihingal pa't pinagpapawisan.

She can see that his whole body is in dark blue color. It means that he is scared as hell. Halata rin sa itsura nito na ilang oras ang inabot niya sa paghahanap sa kaniya. Ang kulay niya nito ay ang pinakamatingkad sa lahat ng tao sa paligid.

''Akala ko'y napahamak ka na,'' bulong ni Antonio habang yakap ang kapatid. Pinigilan niya ang sarili niyang humagulgol. It is unusual to see a muscular man crying in public. Pumikit na lang siya't hinigpitan ang yakap nito kay Shaja. Hindi rin siya kumain kakaisip kung nasaan ito't ano ang kaniyang kalagayan.

Aamin niyang simula nang dumating ang grupo nila Tobias at Neo ay madaming nangyari sa kanilang nayon. Gusto niya sanang hindi sila madamay ngunit malapit na ang loob ng kanyang kapatid kay Siena.

Pansin niyang lagi itong nakabuntot sa kanila't isa sa kinababahala niya'y 'di niya alam kung ano ang nangyari sa kanila. The first time he glanced at Shaja's face, he knew something went wrong. Puno ng galos ang katawan nito't ang itim at hanggang beywang niyang buhok ay magulo.

"Ano'ng nangyari sa iyo?" bulong ni Antonio. Sunod niyang hinawakan ang magkabilang balikat ng kapatid. Samantalang nakatikom ang mga labi ni Shaja habang nakatingin sa kaniya. She remembers everything. She knew what she just saw but she decided to keep it to herself.

The world has been a mystery to her but now she realized why everyone is obsessed with the sacred jewel.

Ever since she was ten, she heard the story about the lost sacred jewel. Ang sabi naman ng mga matanda'y ito'y wala na ngunit may mga nagsasabing ito'y nasa loob ng katawan ng isang tao. She was young back then so she didn't understand but now she does.

"Hindi ka umiimik." Naudlot ang nasa isip niya nang muling magsalita si Antonio. Hinawi nito ang buhok niya at nakita niya ang pagbabagong kulay nito. Now she sees him in blue color that is equal to sadness. Isang pilit na ngiti ang binigay niya rito. His color immediately changed.

''Ayos lang ako," mahinang tugon ni Shaja sa kapatid at tinapunan ng tingin si Eaton. Ito'y nakahalukipkip sa tabi niya't mukhang nakikinig sa kanilang usapan.

Hindi niya masabi ang kaniyang nasaksihan dahil possibleng kumalat sa kanilang nayon. Ayaw niyang manlaglag ng kapwa. She didn't even talk while walking with Eaton few minutes ago. 'Di man nila nasaksihan ang buong pangyayari'y pakiramdam niya'y alam na ng mga ito ang tungkol kay Siena.

After all this time, the sacred jewel is inside her body.

"Ayos lang? Puno ng galos ang katawan mo tapos sasabihin mong ayos ka lang?" Muling tinikom ni Shaja ang mga labi niya sa naging tugon ng kapatid. Saglit niyang tinapunan ng tingin ang lalaking nakatayo sa kanilang gilid. It was Eaton. And she knew that he is observing them for she can see his color.

Tahimik man ito't may kalayuan sa kanila ay alam niyang nakikinig ito. She felt like he was waiting for something. Parang may hinihintay itong marinig. Kaya'y iniisip muna niya kung ano ang mga sasabihin niya. Tinapunan niya ng tingin ang barko mula sa kalayuan at 'di niya maiwasang mabahala. She hopes that they will ride safely and no one inside the ship will discover the truth.

"Ilang oras na kaming nakahiga?" Lakas loob na hinarap ni Shaja si Eaton. At agad na nagtaka si Antonio dahil sa kaniyang narinig. He didn't know that she was asleep.

Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon