• Istante - shelf
______
Chapter 8
Ikatlong Persona
Nakaupo sa bilog na mesa't nakahalukipkip at mukhang malalim ang iniisip. Sa gano'ng sitwasyon nila unang nakaharap si Casco. Tipikal na sampung taong gulang ang hitsura ngunit iba siya kumpara sa mga batang kasing edad niya.
"Ilang oras na ang lumipas pagkatapos niyang malunok ang Sphyria?" seryoso niyang sabi kaya pakiramdam nila'y hindi sila papansinin nito dahil sa lamig ng tingin na binibigay niya sa kanila. Sa katunayan ay mahigit sampung minuto silang nagpaliwanag sa harap ng pintuan ni Casco kung ano ang pakay nila.
Ang bumungad na sala sa kanila'y maluwang at gawa sa kahoy ang dingding at sahig. Tanging mga plorera't babasaging plato ang mga palamuti sa loob. May isang bilog na mesa sa gitna kung saan nakaupo si Casco at sa pinakagilid ay may pulang kurtina.
"Tatlong oras na ang lumipas at napansin ko ang pagbabago ng kulay ng mga labi niya." kaswal na sagot ni Flyn at isang diretsong tingin ang nakuha niyang sagot kay Casco. He knows what to do, but he's not skilled. Ilang taon man ang binuhos ni Flyn upang mag-aral ng medisina, hindi pa rin ito sapat para makagamot siya ng isang Automaton.
"Tatlong oras?" pagdidiin ni Casco sa kanyang narinig at wala itong magawa kundi umiling sa mga kaharap niyang binulabog siya sa kanyang pagbabasa. "Nagsasayang lang kayo ng oras rito, wala ng pag-asa 'yan."
Tila bumagsak ang mga balikat nila dahil sa huling sinabi ni Casco at pakiramdam nila ay napunta sa wala ang paglalakad nila mula gubat ng Nearen hanggang sa kinaroroonan ni Casco.
"Ano ang ibig mong sabihin?" kunot-noo at nagtatakang tanong ni Flyn habang nakatingin sa kanya't nagbabakasaling babawiin ang sinabi nito.
"Alam nating lahat na ang Sphyria ay isa sa mga delikado at ilegal na inumin dito sa Cantaga sa katawan ng tao't mga hindi tao." Nanatiling nakahalukipkip ang mga braso ni Casco at ang seryosong tono ng boses niya'y hindi nagbago. Walang emosyon ang mukha niya at ang tindig niya ay parang isang gurong nagtuturo.
Samantala ay nanatiling tahimik ang grupo nila Siena habang nakatunganga sa harap ni Casco. Ramdam nila ang pagod sa paglalakad at ang ginawa nilang paglalakbay hanggang sumapit na ang alas-siyeta ng gabi ay 'di biro.
"Umuwi na kayo dahil sinulatan ako ng munisipyo't inatasang gumawa ng isang bagay." hindi nagbago ang seryoso't malamig na tono ng boses ni Casco at walang sabing bumaba sa mesa. Hindi niya hinintay kung may sasabihin man ang mga taong nasa harap niya. Time is gold. 'Yan ang katagang nakatatak sa utak niya.
Ang balitang isang tao ang nagnakaw ng Flamist sa munisipyo ay mabilis na nakarating at kumalat sa bayan kaya isang liham ang natanggap ni Casco galing sa mayor ng Liesho at siya ang napiling gumawa ng panibagong pinto ng munisipyo.
Gustuhin mang magsalita ng grupo nila Neo ay wala na silang nagawa kundi panoorin na lang ang likod ni Casco habang naglalakad ito palayo sa kanila, totoo nga ang bilin sa kanila ni Tasho na mahirap siyang pakiusapan.
"Teka lang!"
Lahat sila ay lumingon nang marinig nila ang matinis na boses ni Siena. Humakbang siya at diretsong nakatingin kay Casco na parang isang tigreng ayaw magpatalo.
BINABASA MO ANG
Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC
FantasyWattys Shortlisted. A group of high school theatre performers found an old and strange manuscript by an unknown playwright and used it for their final play. Alysa Espanosa, a member of the group discovered something bizarre. ... that everything wr...