To understand this chapter thoroughly.
Please remember that I'm using a third-person point of view. Siena refers to Danica in this chapter. I warned you, sweetie.
__________________
Chapter 18
Ikatlong Persona
Ang maluwang na silid ang nakita niya sa kaniyang pagdilat. Ang kulay gintong kisame'y kakaiba ang disenyo. Nangunot ang noo niya dahil tila wala siyang ma-alala kung paano siya napunta sa isang magarang silid.
How did she reach a place like this?
"Siena."
Isang mababang boses ang kanyang narinig kaya agad siyang napaupo't siniksik ang kanyang sarili sa pader. Dalawang estranghero ang kanyang nakita at 'di niya mapigilan ang mag-isip ng kung anu-ano. The place looks odd and people are wearing foreign clothing.
"N-nasaan ako?" Halos manginig ang mga labi ni Siena nang siya'y magsalita. Mahigpit niyang hinawakan ang makapal at makulay na kumot upang takpan ang kanyang katawan. Saglit niyang sinulyapan ang sarili niya't napabuntong hininga nang makita niyang siya'y may saplot.
''Ano'ng ginawa niyo sa akin? Bakit ako nandito?'' Nababahala man ay lakas loob siyang nagsalita't tiningnan ang dalawang estranghero na nakaupo sa gilid habang nakatingin sa kanya.
They are sitting quitely, staring at her and all of them look foreign. Baliktarin niya man ang mundo'y wala siyang mahanap na sagot kung paano siya napunta sa lugar kung saan siya nagising.
''Natagpuan ka naming nakahandusay sa sahig,'' mahinang sabi ni Glo sa dalaga at isang nagtatakang tingin ang binigay na tugon nito sa kanila.
Nanatili namang tahimik si Flyn dahil 'di pa rin mawala sa kanyang isip ang nakita niyang paglaho ng dalaga sa kanyang harapan at pagkatapos ng isang oras ay nakita nila itong nakahandusay sa sahig. He couldn't believe what he just witnessed.
''Pinagloloko niyo ba ako?'' Matigas na sabi ng dalaga at hindi nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha, ''Sino kayo at bakit ako nandito?'' dagdag niya dahilan para magtinginan sila Glo at Flyn. Kahit sila'y hindi maipaliwanag kung bakit nagbago na lang ang inasta ng dalaga nang siya'y nagising.
Humihingal na pumasok sa silid si Casco at huminto sa tapat ng pintuan. Sumandal siya sa pinto dahilan upang siya'y pagtinginan ng lahat. Sweat beaded on his forehead and dripped from his chin. Hindi madali ang ginawa niyang pagtakbo't labas pasok upang bumili ng kinakailangang dinurog na gamot.
"Mabuti ay nakita ko kayo rito," mahinang sabi ni Casco at humihingal pa. Nahati sa dalawa ang kanilang grupo kanina at si Neo ang kanyang kasama. Samantala'y nagtulungan naman sila Glo at Flyn upang sagipin ang naghihingalo nilang kaibigan.
Nang makasalubong nila ang isang grupo ng mga manggagamot ay doon naman nila nakitang nakahandusay sa sahig si Siena. Sumama naman sila Neo at Casco sa grupo ni Blake upang tumulong sa mga bisitang nakainom ng itim na mahika.
"Ano'ng nangyari't mukhang pagod na pagod ka?" Nagtatakang sabi ni Flyn kay Casco.
"Kailangan kong maghanap ng dinurog na dahon bilang gamot." Nanatiling seryoso ang mukha ni Casco at hindi gumagalaw sa kanyang pwesto. "Naiwan si Neo sa ikalawang palapag."
BINABASA MO ANG
Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC
FantasyWattys Shortlisted. A group of high school theatre performers found an old and strange manuscript by an unknown playwright and used it for their final play. Alysa Espanosa, a member of the group discovered something bizarre. ... that everything wr...