67 | The Legend Ends

1.2K 61 7
                                    

Chapter 67

The Finale

Ikatlong Persona

Koen didn't know what to feel anymore. Nanginginig ang palad niya sa pagsisisi, pagkadismaya't takot. Sa ikalawang pagkakataon ay isang espesyal na tao ang muling nawala sa kaniya. Glo is not just his childhood bestfriend. Siya ang naging sandalan niya sa madilim na mundo. Ang taong nagligtas sa kaniya tuwing siya ay nalulunod sa kalungkutan.

Simula nang mamatay nang maaga ang ama niya at magahasa ang ina niya sa harap niya ay siya'y nangulila sa murang edad. Siya'y naging batang lansangan. Naranasan niyang kumain ng mga tirang pagkain sa basurahan at matulog sa kalsada umulan man o bumagyo.

Glo met him in the streets and gave him food and shelter. And showed that everyone deserves to live. Sa kabila ng lahat ay wala man siyang nagawa kun'di ay manood at isipin na sana'y masamang bangungot na lang ang lahat. Gusto niyang magwala't sumigaw ngunit nangingibabaw ang nararamdaman niyang kalungkutan.

Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin binibitawan ang malamig na palad ni Glo. At tuwing nakikita niya ang espadang nakabaon sa kaniya ay ramdam niya ang sakit. Gusto niyang sampalin at sisihin ang sarili dahil wala siyang nagawa't nakaupo pa rin sa lupa hanggang ngayon. He wanted to shout and ask what had they done to deserve all of these. He wanted to face him.

Ano'ng nagawa ko at ganito ang balik sa akin ng mundo?

Pinikit niya ang mga mata at hindi binitawan ang kamay ni Glo. His dearest friend's death hasn't sink in to his system yet. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin mabitawan ang kamay nito't umaasa na siya ay nasa isang mahabang bangungot lamang.

Ito nga ba ang karma sa pagkakamali na ginawa niya noon? Sinisingil na ba siya ng itaas sa isang buhay na bigla na lang nawala dahil siya'y sadyang makasarili noon? Kung alam niya lang na rito hahantong ang lahat ay sana'y naging maingat siya. If only he knew that karma will hit him hard...

Before he met Glo, he lived by himself. Nasanay siyang mamuhay mag-isa't isipin na tanging ang sarili niya lang ang kakampi't sandalan niya sa buhay. He used to eat alone, walk alone, sleep alone and celebrate his birthday alone. Tinatak niya na sa kaniyang isip na siya'y mabubuhay at mamamatay nang mag-isa.

Ngunit nagbago ang lahat ng 'yon nang makilala niya si Glo...

Nag-angat siya ng tingin at napansin ang mataas na pagtalon ng dalagita habang hawak ang espada nitong lumiliyab ng apoy. Seryoso lamang ang mukha ni Siena habang siya ay nakatingala sa itaas. Sinundan niya lamang ito ng tingin at 'di mawari ang kabog ng kaniyang dibdib.

She moves gracefully while holding her sword. Her eyes scream justice, fierceness, and power. And even the way her hair moves in the air looks amazing in Koen's eyes. Ibang-iba ito sa babaeng una niyang nakilala.

Hindi niya inalis ang tingin sa mukha nito't pinagmasdan ang bawat galaw nito. She looks so beautiful in her red cloak. While holding her sword, she looks like a queen that doesn't need a king. She doesn't talk much but her eyes speak justice.

I'll protect everyone....

Tila narinig niya ang boses nito sa loob ng kaniyang ulo. Sinundan niya lamang ito ng tingin sa ere't pinanood kung paano nito subukang tamaan ang itim na buhangin sa gilid. At mula sa kaniyang gilid ay tumalon din si Emiria. She crossed her arms and hits the sand with her rose daggers but its useless.

Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon