33 | The Night Festival (2)

1.6K 293 43
                                    

Chapter 33

Ikatlong Persona

Taas noo siyang naglakad patungo sa nagsisiyahang mga tao't maingay na paligid. Takip silim na't ang inaabangang selebrasyon ay gaganapin na rin sa wakas. Habang siya ay nakatingin sa harap ay isang grupo ang nakakuha ng kanyang atensyon.

Ang grupo na nakatayo sa gilid ng puno't tahimik na nag-uusap. Isang grupong alam niya ang pinanggalingan. Isang grupo na walang katulad at hindi ordinaryo sa mga mata niya.

The Group of Tobias indeed changed the flow of story.

Sumilay ang ngisi sa makapal at mapulang labi ni Emiria habang nakatingin sa kanila. She tied her curly and long hair in a bun and wore a long dress with xhosa pattern. Mahigpit niyang hinawakan ang woven basket at mahinhin na naglakad palapit sa grupo na kanyang minamanmanan.

"Ano kamo? Nasa loob tayo ng gubat maghahanap tayo ng barko! De puta! Gago ka ba?" Malakas na sabi ni Owen at 'di makapaniwalang tiningnan ang kanyang mga kasama.

Para sa kaniya ay isang kalokohan ang gagawin nilang paghahanap sa isang espesyal na barko kung tawagin. Ang nayon na kanilang pinuntahan ay nakatago sa loob ng gubat. Napapalibutan ng matatayog na puno't mga damo at kubo kaya bakit sila mag-aaksaya ng oras maghanap ng barko sa ganitong lugar?

Muntikan ng masapak ni Tobias si Owen dahil sa lakas ng pagkasabi nito. Nagambala niya ang mga naghahanda't naglalagay ng dekorasyong ilaw sa mga kubo. At ang iba'y lumingon pa sa direksyon nila. Tobias bowed his head three times as he apologize for his companion's foolishness inside his head.

Hinawakan niya ang ulo ni Owen at tumingkayad dahil ito'y mas matangkad sa kanya upang ito'y yumuko't humingi ng paumanhin. "Yuko." matigas na sabi ni Tobias sa kanya't giniit ang kanyang ngipin.

Siningkitan siya ng mga mata ni Owen at natawa na lang si Eaton dahil sa kanila. Samantala ay napansin ni Castor ang isang babae na papalapit sa kanila. He felt a mysterious magic from the red-haired lady, like she is too powerful like a deity.

Isang matamis na ngiti ang binigay ni Emiria sa grupo dahilan upang mapatigil ang mga ito sa kanilang mga ginagawa. At niyakap ang basket sa kanyang bisig. "Maari ba akong magtanong? Isa akong maglalakbay galing sa timog." Nanatili ang tingin ng grupo sa kanyang mukha't kapansin-pansin ang kakaiba nitong suot.

Emiria knew that they will help her. She knew that this time would come. Ang nangyayari sa istorya'y tama lang at nasusunod. Alam niyang pinagtagpo ang grupo nila Tobias at Neo upang hanapin ang isang espesyal na barko. Ngunit ang 'di niya inaasahan ay ang pagpasok ni Deus sa kwento. She knew that his appearance is a threat... for it will have a great impact for the characters.

Ang ina ni Deus ay namatay sa kanyang harap. Ito'y binitay dahil sa kasalanang hindi niya naman ginawa. Ang pinakamasakit pa ay ang mga magulang mismo ni Siena ang humatol ng parusang kamatayan dito... Ang mapait ala-alang iyon ang pinanghahawakang galit ni Deus sa kaniya.

Nagbago ang lahat dahil ininom niya ang inumin na Elaria. Nakalimutan niya ang nararamdamang matinding galit sa dalaga. Tila nabuhay muli siya, binigyan ng panibagong pangalan at panibagong magulang.

"Ano'ng maitutulong namin sa iyo?" kaswal na sagot ni Tobias kay Emiria. Nanatiling nakangiti ang dalaga sa kanilang harapan. Sa itsura nito'y mukha itong maamong tupa na walang kamuwangmuwang sa mundo. Ang pula't nakapusod niyang buhok ay bukod-tangi sa kanilang paningin. Sa tindig nito ay para siyang isang prinsesa at napakahinhin gumalaw.

Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon