• Looregano (Herbal Medicine)
• Decarion - Bottle-shaped storage of herbal medicines made from a precious clay.Please be noted that Siena refers to Danica.
___________Chapter 19
Ikatlong Persona
Lahat ng tao'y lumingon sa dalaga dahil sa mahaba't kumikinang nitong suot. Adorned with multicolored silky robe and shining masquerade . . . everyone wondered who she was. Sa gitna ng kaguluhang nangyayari ay mahinhin siyang naglalakad.
Bukod sa kanyang suot ay agaw pansin din ang kanyang pula't kulot na buhok na umabot na sa kanyang beywang. Her hair is being blown by the air leaving sweet cherry scent.
Isang ngisi ang kanyang pinakawala mula sa kanyang mapula't makapal na mga labi. 'Di niya mapigilang umiling habang diretsong nakatingin sa harapan. Kitang-kita niya kung paano tumingin ang mga kalalakihan mula sa kanyang maputing leeg hanggang sa maliit niyang beywang.
Inikot at nilaro-laro niya ang dulo ng kanyang buhok. Mapusok na talaga ang mga kabataan sa panahon ngayon. Muli siyang napailing dahil sa kanyang naisip. She walked like a model on a runway.
"Nagmumukha akong alalay sa tabi mo." Naningkit ang mga mata ni Tasho sa kanyang gilid samantala ay isang halakhak naman ang ginanti ni Emiria sa kanya.
"Hindi ka pa ba nasanay?" Panunukso ni Emiria dahilan upang mas lalong maningkit ang mga mata ni Tasho sa kanyang likod. Taliwas sa suot ng dalaga ay makapal na tela't halos kumupas na ang pulang kulay ng kanyang suot.
His robe wasn't as thick and wasn't as fashionable. At ang kaputian ng kanyang buhok ay kapansin-pansin dahil buhok ni Emiria.
"Ano ba ang nangyayari't nagkakaguluhan dito?" Nagtatakang tanong ni Tasho dahil mula sa kanilang kinatatayuan ay tanaw nila ang gulo.
Ang mga tao'y humihingi ng saklolo. Ang iba'y nawalan ng pag-asa upang sagapin ang kanilang mahal sa buhay.
Saglit na pinikit ni Tasho ang kanyang mga mata upang 'di marinig ang paghihinagpis ng mga tao at pilit niyang sinarado ang abilidad niyang makabasa ng isip ng iba. Pagdilat niya'y nakita niyang nakatingin sa kanya si Emiria.
"Ibang tao ang nakapasok sa istorya." Malayo man ang naging sagot ni Emiria ay naintindihan na ni Tasho kung ano'ng nais niyang iparating.
Katulad ng dati'y sinamahan niya ito kahit na mukha siyang magsasaka sa kanyang tabi. Hindi maitatanggi na napakaganda't agaw atensyon ang kanyang asawa dahil sa itsura niya ngayon. Naiintindihan niya kung bakit madaming napapalingon sa kanya dahil isa rin siya sa nabihag ng kagandahan niya noon.
"Malaking gulo ang maidudulot ng sino mang mapupunta sa maling posisyon sa istorya. . . hindi ba?" Napataas ang kilay ni Tasho nang tapunan niya ng tingin si Emiria.
"May tama ka!" She said in a high pitched tone then giggled. Napailing na lang si Tasho dahil mukhang nasisiraan na ng bait ang kanyang asawa.
Mula unang palapag ay lumiko sila't bumungad sa kanila ang malaking litrato ng mayor ng Deria. The portrait was painted in oil and hung in gold frames. Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Emiria. Long time no see.
BINABASA MO ANG
Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC
FantasyWattys Shortlisted. A group of high school theatre performers found an old and strange manuscript by an unknown playwright and used it for their final play. Alysa Espanosa, a member of the group discovered something bizarre. ... that everything wr...