46 | The Encounter

678 64 2
                                    

Chapter 46

Ikatlong Persona

Isang madalim at maluwang na paligid ang bumungad kay Errol. Humakbang siya't kahit saan siya lumingon ay tanging kadiliman ang kaniyang nakikita. Umalingawngaw din ang bawat yapak na ginagawa niya. 'Di niya maintindihan kung ano ang nangyayari't paano siya napunta sa lugar na ito. Isang tanong lamang ang nasa isip niya. . . Nasaan ako?

"Sumama ka sa amin..."

Isang mahinang boses ang kaniyang narinig. Ito'y matinis at boses babae. Siya'y lumingon sa kaniyang likod. Luminga rin siya sa gilid ngunit tanging siya lamang ang nakatayo sa kadiliman.

"Hindi mo dapat ginagamit ang kapangyarihan mo upang protektahan ang babaeng iyon... Huwag mong lokohin ang sarili mo't paniwalaan na tinakda kang protektahan ang isang tao. Alam naming lahat ang nakaraan mo..."

Agad niyang tinakpan ang kaniyang mga tainga't napadaing sa sakit nang isang panibagong boses ang sumabay.
The fact that Errol couldn't see who or what was talking, made him feel worried. The voice was unlike anything he's ever heard. It was like a voice of a demon whose possessed a person, joined together and made a voice of two combined. . . It was terrifying.

Humakbang siya patalikod habang tinatakpan ang kaniyang mga tainga. Ramdam ni Errol ang pagtulo ng mga pawis mula sa kaniyang mukha . . . Nanatili siyang nakatayo sa kaniyang p'westo dahil nakarinig siya ng madaming bulong. . . bulong mula sa iba't-ibang boses. . . bulong na nagdadala ng lamig sa kanyang buong katawan. Sa pagsiksik niya sa gilid ay may naramdaman ito sa kaniyang likod. At napagtanto niyang sa isang madilim na silid siya napunta.

The room seemed to be getting tighter and tighter, as if the walls were moving and getting more cramped until he was trapped. In an instant, he couldn't move his legs and could hardly even breathe. Suddenly a hand burst out of the wall and grabbed his necklace as if it was going to snap it off his neck.

Tumingala siya't huminga ng malalim. Nanlamig ang kaniyang palad nang hawakan niya ang kaniyang k'wintas. Walang tigil ang pagtulo ng pawis sa kaniyang mukha at ramdam niya ang pangmamanhid ng kanyang buong katawan. . . Iisa lamang ang pumasok sa kaniyang isipan.

Hindi dapat maalis ang kwintas sa kanyang leeg dahil malaking gulo ang kakalabasan kapag nangyari 'yon.

Nagtagumpay siyang igalaw ang kaniyang braso subalit ang palad niya'y nanginginig. Tumingala siya't hinabol ang hininga habang namumuo ang luha sa kaniyang mga mata. Sumama ang buong katawan niya nang hilain ng kamay ang kanyang kwintas na tila'y 'di ito titigil hangga't 'di natatanggal ang kwintas mula sa kaniyang leeg. Tumingin siya sa harap ngunit tanging isang malaking itim na butas lamang ang kaniyang nakita't pares ng kamay.

Humakbang siya palayo at siya ay nakipagtigasan. Sinubukan niya tingnan ang kaniyang kwintas at siya'y nanlamig nang makitang ito'y kulay itim. Pagkatapos ng ilang segundo'y ang mga kuko niya'y unti-unting naging matulis, pati na rin ang dulo ng kaniyang mga tainga.

He felt his jaw getting numb and his teeth getting sharper. Naramdaman niya rin ang pag-iinit ng kanyang dugo. Nilamon ng takot si Errol dahil alam niya kung ano ang mga susunod na mangyayari. He felt terrified on what will happen next. . . He can't let that happen again.

Hindi maaring mangyari ito.

'Yan ang mga katagang paulit-ulit niyang sinasabi sa kaniyang isip. Alam niya kung ano mga susunod na mangyayari kung ang kwintas niya'y naging purong itim ang kulay at lalong na kung ito'y natanggal sa kaniyang leeg. He won't let that tragedy happen again. He won't let history repeat.

Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon