31 | The Group of Tobias

1.8K 352 46
                                    

Hi! I am sorry for updating slow. I'm currently making a trailer for my other story (Imperial Academy) I'm currently using my laptop to update and not my cellular phone. Please bear with me.

I hope that you'll love this chapter and you'll like Tobias' group. Enjoy digesting!

____________

Chapter 31

Ikatlong Persona

Ang mga tao'y nakaluhod at taimtim na nagdadasal. Lahat sila'y hindi kumikibo at nakapikit lamang animo'y isang estatwa. They are praying and some of them are asking for foregivenes.

Mula sa itaas ay isang apoy ang bumaba at nagpakita sa lahat. Napatingala ang mga nakaluhod at ang iba'y napatayo sa gulat. They knew what it is. Ang ilan sa kanila'y nagagalak sa munting apoy na bumababa mula sa kalangitan.

Nanatili silang nakapikit hanggang sa tumama ang gintong sinag sa kanilang mukha. Sa pagtama ng sinag na 'yon ay nakaramdam sila ng ginhawa. Ang pagod ng kanilang pisikal na katawan ay nawala. Ang sakit ng loob na kanilang kinimkim ay napawi. Sa isang iglap ay lahat ng negatibo nilang emosyon ay nabura.

"Ako'y nagagalak na makita ang aking mga tao." Isang boses lalaki ang kanilang narinig mula sa apoy. The voice is not ordinary for it is soothing and angelic. The people bowed and praised him.

Finally, he's here. The mythical being that gave them life. The one and only Azura. . . in the form of fire.

"Ngayon ay isang espesyal na araw. Ang araw na kayo'y pinagkalooban ng panibagong buhay. Nawa'y mamuhay kayo ng walang sakit ng loob. At tanging kabutihan lamang ang intensyon."

Naluluha't nagagalak ang mga matatanda nang sila'y tumayo upang magbigay puri sa kanilang diyos. Sila'y nagkatawang tao at nabiyayaan ng kalayaan. Now, they are free men.

Mula sa kanilang kinauupuan ay tahimik na nanonood ang grupo ng dalaga sa mga nangyayari sa kanilang paligid. 'Di sila makapaniwala sa kanilang nakikita. They were witnessing history, what was happened in the past. It was as if we were watching inside a movie theater.

Isang tanong ang sumagi sa isip ng dalaga. Bakit sila dinala sa lugar na ito't ba't kailangan nilang makita ang nakaraan?

"Iyon ang unang mensahe galing sa mahal na Azura. Siya'y nagpapakita sa katawan ng apoy. Minsan na rin siyang nagpakita bilang isang malinis na kalapati. Ang grupo namin ay hindi kailan man nakita ang totoong niyang anyo." Nanatili ang tingin ni Tobias sa harap upang pagmasdan ang pangyayari sa ikalawang pagkakataon.

He was there. Raising his hands and praising their god. Mula sa kumpulan ng tao'y tandang-tanda niya pa kung saan siya nakatayo at sino ang katabi niya sampung dekada na ang nakalilipas. Siya'y nakatayo sa pinakagilid, katabi ang isang matandang lalaki.

"Bukod sa katawang tao't buhay ay binigyan niya rin kami ng kalayaan at pag-iisip." Dumako ang mga mata ni Eaton kay Owen dahil sa sunod na sinabi ni Tobias. Isang nakakalokong ngiti ang binigay niya rito at siningkitan siya ng mga mata bilang tugon. He knew it, Eaton will tease him.

Ang katawang tao na kanilang hiniram kay Azura ay obligasyon nilang alagaan at panatiniling malinis. Ngunit sa kanilang lahat ay tanging si Owen lamang ang pinakamahirap pagsabihan dahil ito'y tamad maligo.

Para sa kanya ay hindi naman siya aamuyin ng kanyang makakahalubilo kaya bakit pa siya maliligo? Magsasayang lang siya ng tubig.

"Katawang tao?" Pagpuputol ni Koen sa ibig na sabihin ni Tobias. "May diperensya na ba ang panrinig ko?" Nagtataka siyang lumingon sa kanyang mga kasama ngunit katulad niya'y bakas din sa mukha nila ang pagtataka.

Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon