17 | The Time Limit

2.1K 385 107
                                    

Chapter 17

Ikatlong Persona

Napuno ng sigawan ang paligid at ang mga tao'y nagbabanggaan na't maririnig ang paghikbi ng ilang kababaihan. Sa isang iglap ay nagbago ang lahat. Ang kaarawan na kanilang ipinagdiriwang ay naging isang bangungot. What was meant to be banquet, turned out to be a nightmare.

Mula sa malayo ang kitang-kita ni Casco kung paano magtakbuhan ang lahat. Sa liit niya'y madali lang siyang lagpasan at banggain ngunit nanatili siyang nakatayo sa kanyang position habang pinagmamasdan ang nagkakaguluhang mga tao. No one knows who started this chaos.

Nanatiling nakasunod si Casco sa likod ni Glo na mukhang hirap na sa kakaalalay sa kaibigan niyang si Koen. Walang tigil ang pagtulo ng pawis mula sa mukha nito't halos mangawit na ang kanyang buong katawan.

"Konti na lang at makakarating din tayo sa pagamutan . . . huwag kang bibitaw," mahina niyang sambit sa kaibigan na walang kibo't nakatingala lang sa kisame. Tiniis nila Flyn at Glo ang pangangalay ng kanilang buong katawan upang buhatin ang kanilang kaibigan, na tila nag-aagaw buhay na sa kanilang bisig. Makikita rin na basa sa pawis ang dalawa't nahihirapan sa kanilang ginagawa.

Nanatiling seryoso ang mukha ni Casco habang nakasunod sa likod ni Glo. Halos banggain na sila ng iba't itulak ngunit nanatili siyang nakahawak sa laylayan ng damit ni Glo upang hindi siya mahiwalay sa kanila.

Mula sa kanilang kinatatayuan ay nakita nilang tumatakbo papunta sa kanilang direksyon si Neo. Sa katangkaran niya'y madali lamang siya makita sa kumpulan ng mga tao.

"Neo!" singhal ni Glo at ginala ang kanyang paningin sa paligid at umaasang makikita niya sa paligid si Siena ngunit kahit bakas ng anino niya'y wala.

Tila nakipagbakbakan pa si Neo upang makaalis sa kanyang pwesto. Sinalubong niya ang mga nagsisiksikang mga tao't kung magtulakan ay parang katapusan na ng mundo. Puno ng mga taong nakahandusay sa sahig ang paligid katabi ang kanilang mga pamilya na tila binagsakan ng langit at lupa.

Halos nalukot na ang damit ni Neo nang makarating siya sa harap nila Glo. Pinagpapawisan man ang mukha't buong katawan niya ay nanatili pa ring walang ekspresyon ang kanyang mukha.

"Nasaan siya?" Nagtatakang tanong ni Glo at makikita sa kanyang mga mata na umaasa itong makita ang dalaga sa paligid ngunit umiwas lamang ng tingin si Neo at tumingin sa kawalan.

"Hindi ko alam," diretso't malamig na sabi ni Neo. Umakto man siya na wala siyang paki ngunit ang totoo ay halos dalawang oras niyang hinanap si Siena. Nakipagsiksikan siya't nakipagtulakan sa mga nagkakaguluhang tao ngunit kahit likod ng dalaga ay hindi niya nakita.

"Napapalibutan ng itim na mahika ang lugar na ito at hindi ko magamit ang aking mahika upang gamutin si Koen." Nanatili ang tingin ni Glo kay Koen at umiwas ng tingin dito dahil 'di niya kayang titigan nang matagal ang naghihirap niyang kaibigan.

Mahigpit niyang hinawakan ang balikat niya at sinandal ang ulo nito sa kanyang dibdib. Hindi sila papayag na matuluyan ang kanilang kaibigan.
Dumagdag sa kanilang pag-aalala ang nawawalang dalaga na basta na lang tumakbo't pumunta kung saan.

"Hindi ba ang sabi niya'y huwag tayong iinom sa mga inumin?" Nagtatakang tanong ni Flyn dahilan upang mapatingin sa kanya ang kanyang mga kasama. He's right. Nagulat sila nang nilagok ng dalaga ang hawak na baso ni Glo at kasunod non ay basta na lang siyang tumakbo't naglaho sa kanilang mga paningin.

Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon