25 | The Lost Village

1.5K 322 39
                                    

This Chapter is dedicated to Highest_Apple. Thank you for granting my favor on this chapter and thank you for your kindess. Check her stories too! :)

We have a one-week break, expect for more updates!

Nayon - Village

______________

Chapter 25

Alysa Espanosa

Nanatiling nakatikom ang mga labi ko't habang nakasiksik sa pader. Nakipagtitigan ako sa kanila hanggang sila rin ang bumitaw sa pakikipagtitigan sa akin. Where the hell is this place? Their clothes looks odd.

Naningkit ang mga mata ko dahil sa suot nila't tiningnan ko sila mula ulo hanggang paa. Masasabi kong simple ang damit nila dahil halos kumupas na ang kulay at manipis ang tela't puno rin ng bulaklaking disenyo.

Mas lalo akong nagtaka dahil sa bagay na nasa ulo nila. It looks like a carnival headdress. The headdress had feathers with the colors of magenta, green and yellow and looks freaking heavy. Ako pa ang nabibigatan sa kanila.

"May nararamdaman ka bang sakit, binibini? Natagpuan kitang nakahandusay sa gubat ng seera."

Umurong ako nang magsalita siya sa gilid ko't mas lalo kong pinagsiksikan ang sarili ko sa gilid nang umupo siya sa aking harapan. Namuo ang pawis sa noo ko. Ginala ko ang paningin ko at nakita kong gawa sa kahoy ang dingding at kisame. This place is hot, kaya pala manipis ang suot nilang tela.

"'Wag kang mag-alala, ligtas ka rito sa nayon ng Nokkan." Nagpanting ang tainga ko dahil sa sunod niyang sinabi at lumingon ako sa kanya. I frowned up.

"Ligtas?" Napansin niya ang pagtaas ng boses ko pero wala akong paki.

Pagkatapos niyang guluhin ang Deria ay sasabihin niyang ligtas ako rito kasama niya? The audacity of this man is unbelievable.

Dumating ang isang matandang lalaki na may dalang damit pangbabae. Mahaba't lila ang kulay at manipis ang tela. A dress made of imported beeds. It looks really uncomfortable.

Naningkit ang mga mata ko sa bagay na pinatong ng matanda sa katabing mesa ng aking hinihigaan. It's a flared headdress in the shape of a crown covered with red ocher.

"Ethan, siya ba ang dalagitang natagpuan mo sa gubat?" Mas lalong naningkit ang mga mata ko. Tinitigan ko si Deus habang nagsasalita siya. Hell no, his name is not Ethan.

"Opo. Ama." Ang paraan ng pananalita ng lalaking nakaupo sa harap ko'y nagbago. Mas lalo akong nagtaka dahil tinawag niyang ama ang matandang kasama namin ngayon.

"Ama?" Lumingon sila sa akin at nakipagtitigan uli ako sa kanila. Sa unang tingin pa lang ay 'di talaga sila magkamukha. Bilugan ang mata ng matanda't kayumanggi ang balat. Mahahaba ang pilik mata niya't may nunal sa gilid ng labi.

"Buenas tardes? Kunambre ya ka?" Nakangiti man siya sa akin ay nangunot ang noo ko.

I didn't understand what he said. Is that their native language? Hindi ako nagsalita kaya nagkatinginan sila. Maingat na pinatong ng matanda ang dala niyang damit sa upuan na gawa sa rattan sa gilid.

"Este di suyu kamisa." Kinuha niya ang damit at tinupi bago ipatong uli sa upuan.

"Onde tu anda?" Lumingon sa kanya si Deus at hindi ko man maintindihan kung ano'ng mga sinasabi nila'y bakas sa mukha niya ang pagtataka. What the hell are they talking about? Ako ba ang pinaguusapan nila?

Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon