Chapter 27
Ikatlong Persona
Nakayuko magdamag ang dalaga at hindi lumilingon sa direksyon ng mga kalalakihan. Pinili niya ring umupo sa pinakagilid na upuan habang may yakap na unan. Ilang beses siyang napamura sa isip at kanina niya pa gustong lamunin ng lupa.
Seryoso man ang pinaguusapan ng kanyang mga kasama'y wala siyang balak makisama at magsalita. Nakita na ang lahat sa kanya kaya paano niya magagawang humarap sa kanila?
"Ang ibig mong sabihin ay napadpad ka rito't hindi mo natatandaan ang pangalan mo, pati na rin ang dating mong buhay?" Nakataas na kilay na tanong ni Flyn at hinampas ang kanang palad niya sa mesa. "Nahulog ka't natagpuan sa isang bangin at dito ka na nanirahan?" Sunod niyang hinampas ang kabila niyang kamay sa mesa.
Sinundan ng mga kasama niyang nakaupo sa kanyang tapat ang bawat galaw ng kanyang mga kamay. Tumataas ang tono ng boses nito at ayaw paniwalaan ang kanyang narinig. Para sa kanya'y impossibleng mangyari ang kanyang narinig. For him, only fools would believe that phenomenon.
Nanatiling nakataas ang kilay ni Flyn habang nakatingin sa binatilyong nakaupo sa kanilang harapan na nagpakilala sa pangalang Ethan. Nakatuon ang paningin nilang lahat sa kanya animo'y minamanmanan ang bawat galaw niya.
"May inumin bang binigay saiyo?" Sumandal si Neo sa kanyang upuan at nanatiling blanko ang mukha. Nakaupo ito sa gilid malayo sa sakanila't sa unang tingin ay walang paki sa pinag-uusapan ng kanyang mga kasama.
"Inumin?" Nagtatakang sagot sa kanya ng binatilyo't ginala ang kanyang paningin sa loob. Sa natatandaan niya'y may inabot sa kanya na inumin. Ang itsura nito'y tubig sa umaga at sa gabi ay kumikinang ito na tila mga bituin sa kalangitan.
Tumayo siya't naglakad palapit sa kama niyang nakapwesto sa dulo ng silid. Sa gilid nito'y may isang maliit na mesa at nakapatong ang isang malaboteng lalagyan. May laman pa rin itong kalahati't hindi pa iniinom.
"Ito ang inumin na aking tinanggap mula kay Ama." Tinaas niya ang bote at pinakita sa kanyang mga kasama. Pagkatapos ay naglakad siya pabalik sa kanyang upuan at nilagay 'yon sa tabi ng aklat na nakapatong sa mesa.
Dumako ang kanilang paningin sa boteng pinatong ni Deus. Tyler started scanning the liquid inside the pot. Alam niyang 'di ordinaryo ang inumim kahit mukha itong tubig. Looks can be deceiving.
"Ang sabi sa akin ay milagro raw ang tubig na iyan kung ituturing at sinabihan akong uminom tuwing umaga lamang." Hindi inalis ni Deus ang kanyang tingin sa malaboteng lalagyan. "Ang inumin na iyan ay nadiskubre ng mga ninuno ng Nokkan. Nakasaad sa aming mga aklat na kayang burahin ng inumin na iyan ang memorya ng kahit na sino."
"Hindi ka ba nagtaka kung bakit ikaw lang ang umiinom niyan sa inyo?" Napataas ang kilay ni Koen dahilan upang pagtinginan siya ng lahat.
Isa-isa niya ring tiningnan ang mga kasama't nangunot ang noo. Hindi niya maintindihan kung bakit lagi na lang tumitingin sa kanya ang lahat tuwing siya'y sumasabat sa usapan.
"O, bakit ganyan kayo tumingin sa akin?" bulaslas ni Koen at kinuha ang kanyang pamaypay upang paypayan ang sarili. Wala ba siyang karapatang magsalita? Akala na nila ay kabalastugan lang ang nasa isip niya?
Natahimik din si Deus dahil sa tanong na binato sa kanya. As he started to wake up lying on a bed, he couldn't remember anything and the only thing he see is the drink that was on the table. He was warned not to drink it at night, and only during daytime.
BINABASA MO ANG
Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC
FantasyWattys Shortlisted. A group of high school theatre performers found an old and strange manuscript by an unknown playwright and used it for their final play. Alysa Espanosa, a member of the group discovered something bizarre. ... that everything wr...