Translation:
Inalingan - growl/growled._________
Chapter 63
Ikatlong Persona
Sa pagdilat niya'y isang madilim na silid ang bumungad sa kaniya. Siya'y labis na nagtaka dahil nakagapos ang kaniyang mga kamay at sa unang tingin palang ay alam niyang ito'y gawa ng mahika. Natulala siya't pinagmasdan ang mga kuko niyang puno ng dugo't may masangsang na amoy.
His hands started trembling for he can see scales on his flesh too. Sunod siyang pumikit ngunit wala siyang matandaan sa lahat ng nangyari't rinig niya lamang ang mabilis na kabog ng kaniyang dibdib. Sa tagal ng panahon na pilit niyang tinutuwid ang nakaraan at mga kamalian niya'y ba't ngayon pa siya nadapa?
Dumilat siya't habang nakatulala sa ere'y kitang-kita niya ang paghulog ng mga alikabok. Ang paggalaw ng mga buhangin kasabay ng malamig na hangin. At kahit madilim man ang silid kung saan siya nagising ay klaro pa rin ang kaniyang paningin.
The room is spacious but empty. Tanging siya lamang ang nandito't katabi ang nakabukas na malaking bintana sa kaniyang gilid. Kahit ang tunog ng pagtulo ng pawis niya sa mukha'y rinig na rinig niya.
From that, he knew that he made a mess.
"Hindi maari," bulong niya habang nakatingin sa magkadikit niyang mga kamay. Sa kamay niya'y merong isang gintong tanikalang na mahapdi sa balat. Sa unang tingin palang ay alam niyang ito'y pangontra sa isang tulad niya.
"Hindi. . . hindi." Hinihingal niyang sambit habang namimilipit sa sakit... habang pilit na tinatanggal ang bagay sa kaniyang mga kamay. No matter how hard he tried, her hands are already chained by Emiria's magic.
"Hindi..." Napatulala na lang siya nanginginig niyang mga palad na puno ng dugo. Amoy na amoy niya ito't alam niya kung ano ang ibig sabihin.
Ang totoo'y alam niya ang tunay niyang anyo at kinamumuhian niya ang kaniyang sarili.
"Hindi maari..." Paulit-ulit niyang sambit at inuntog ang likod ng kaniyang ulo sa pader.
Errol helplessly held his necklace. Ito'y kinapa-kapa niya at agad niyang napagtanto na bago ito. Nanatili siyang nakatingin sa baba't tinitigan ang suot niyang kwintas. Sunod siyang napabuntong hininga't napasabunot sa kaniyang buhok.
He wanted to deny his past. . . Gusto niya itong takbuhan. Gusto niya itong burahin. . . Ngunit kahit ano'ng gawin niya ay ito ay mananatiling parte ng kaniyang pagkatao.
"Oh." Isang pamilyar na boses ang narinig niya't siya'y umangat ng tingin. Nanatili ang tingin niya sa manipis na papel kung saan nakabalot ang isang mainit na tinapay na siksikan ng karne sa loob.
"Busog pa ako. Sa iyo na." Nanatili ang tingin niya sa taong may hawak ng tinapay at siya'y napatulala.
Mula sa gilid niya'y nakaupo sa sahig si Koen habang nakatingin sa kawalan. Hinihintay niyang tanggapin ang kaniyang inaabot. Ang totoo'y kanina pa kumakalam ang sikmura niya ngunit mas iniisip niya ang kalagayan ni Errol.
"Nainig kong maari kang kumain sa kondisyon mo ngayon. Naghahanap ng tutunawin ang katawan mo't kahit tubig ay maari mong tikman. Naisip ko na 'di naman tama na ikulong ka rito't gutumin." Nanatiling nakatapat ang kamay ni Koen sa tapat ni Errol. Hawak-hawak lamang nito ang tinapay na nais niyang ibigay rito.
BINABASA MO ANG
Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC
FantasyWattys Shortlisted. A group of high school theatre performers found an old and strange manuscript by an unknown playwright and used it for their final play. Alysa Espanosa, a member of the group discovered something bizarre. ... that everything wr...