Chapter 64
Alysa Espanosa
Nakatulala kong sinalubong ang pagsikat ng araw sa kulay kahel na kalangitan. Mugto ang mga mata ko't tuyo ang lalamunan habang nakaupo sa gilid ng bintana. The soup on the table turned cold for it was left untouched all evening. Muli kong sinandal ang ulo ko at pumikit. My chest feels like it's getting tight... I don't have strength to move anymore.
Pilit kong hinawakan ang kamay niya at nanalangin na sana'y huwag siyang bumitaw sa akin. Nanikip ang dibdib ko habang nakatingin sa kutsilyong nakabaon sa kaniyang dibdib. Puno ng bahid ng dugo ang damit niya kaya mas lalo akong nanghina.
"'W-wag. . . 'Wag kang bumitaw." Nanginig ang mga labi ko't nanlalabo man ang paningin ko'y 'di ko inalis ang tingin ko mukha niya. "Please..."
Tinaas niya ang kamay niya upang abutin ang aking mukha at hinaplos ang aking pisngi. Walang tigil ang agos ng luha mula sa kaniyang mga mata kaya lalong nanikip ang dibdib ko. Siya ay nakatingin lang sa akin na tila'y ang dami niyang gustong sabihin.
"Please..." bulong ko at hinawakan ang kamay niya't dinampi sa pisngi ko habang nakahiga siya sa mga hita ko.
"Handa a-kong isakripisyo ang lahat p-para lang sa iyo," nanghihina niyang sabi at 'pansin kong natutuyo na ang bakas ng dugo sa kaniyang mga labi. Nakahawak lang ako sa kamay niya at diniin sa aking pisngi.
N-no. . . This is not happening.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Wala akong magawa kundi ang umiyak at sisihin ang sarili ko. Pakiramdam ko ay wala akong kwenta.
"G-gusto kong makita ang mukha mo... Gusto kong m-makita ang mukha mo hanggang sa huling pagkakataon."
Walang tigil ang agos ng luha sa mga mata ko dahil pilit niyang hinahabol ang hininga niya. Pinunasan niya ang luha ko't hinaplos ang aking mukha. He keeps whispering that taking his own life is for everyone's safetly.
"Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko..."
Sa sinabi niya'y mas lalong nanlabo ang paningin ko. Sinubukan kong magsalita ngunit humagulgol lamang ang nagawa ko. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya't umiling sa kaniya. . . nakiusap na huwag niya kaming iwan.
"O-oi..." Tinapunan ko ng tingin si Koen. I saw his figure knelt down in front of us. Katulad ko'y wala ring tigil ang agos ng luha sa kaniyang mga mata.
"S-sabi mo'y walang iwanan... Sabi mo'y sabay nating haharapin ang bukas ng may ngiti sa mga l-labi." pagpapatuloy niya. "O-oi! Kinakausap kita! 'W-wag kang pumikit!" Nanginig ang kamay niya nang hawakan ang balikat ni Errol.
Nanatiling nakaluhod si Koen sa gilid ko at panay ang hagulgol. Nanatili ang hawak niya sa balikat ni Errol at katulad ko ay umaasa siyang hindi niya kami iiwan. Lalong sumakit ang puso ko dahil ngayon ko lang nakitang umiyak si Koen. He keeps cursing and blaming himself that he can't do anything. Sinisisi niya ang sarili niya sa mga oras na 'di man lang niya nagawang protektahan si Errol.
Sumakit ang lalamunan ko't pati ang mga labi ko ay nanuyo sa walang tigil na pagbagsak ng niyebe. Pilit kong pinunasan ang mga luha ko't hindi inalis ang kamay ni Errol na kanina pa nakadampi sa pisngi ko. Walang tigil ang pagpatak ng mga luha ko sa pisngi niya habang sa akin lang nakatuon ang kaniyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC
FantasyWattys Shortlisted. A group of high school theatre performers found an old and strange manuscript by an unknown playwright and used it for their final play. Alysa Espanosa, a member of the group discovered something bizarre. ... that everything wr...