13 | The Lost Sacred Jewel

2.6K 525 67
                                    

Chapter 13

Ikatlong Persona

Isang oras na ang lumipas simula nang magising ang tatlong kalalakihan na kasama ni Glo. Magaan ang kanilang pakiramdam na para bang napawi agad ang delikadong inumin na kanilang nainom.

Malaking palaisipan ang nangyari sa kanila kaya agad na pinaliwanag ni Casco lahat ng nangyari at kung ano ang kanyang ginawa habang wala silang malay. Nanatili silang tahimik habang nakatayo't magkakaharap.

"Saang kwarto ako matutulog?" nagtatakang sabi ni Siena dahilan upang lumingon ang lahat sa kanya. Tatlo lamang ang silid na maari nilang tulugan at sila'y magkakatabi bawat silid. Isa-isang tiningnan ng dalaga ang mga kalalakihang kasama niya at napansin niyang panay ang iwas ng tingin sa kanya ng mga ito.

Muntik na nila akong makalimutan. So, saan ako matutulog? Sa labas? sabi niya sa kanyang isip at nangunot ang kanyang noo. Tinapunan ng tingin ni Koen si Neo na blanko lang ang kanyang mukha at mukhang walang paki sa nangyayari sa kanyang paligid.

"Hoy Neo! hindi ba wala kang katabi-" bago pa matapos ang sasabihin niya'y agad na tumalikod si Neo sa kanila at naglakad paalis. Napaawang naman ang bibig ni Siena dahil hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Nilakihan niya ng mga mata si Koen na panay ang singha nito kay Neo.

Nasanay na silang talikuran at tratuhin ng parang hangin ni Neo. Sa apat na taon na nilang magkakasama'y siya lang ang mahirap pakisamahan dahil tahimik lang siya at hindi nag-aaksaya ng laway upang magsalita.

"Hindi naman maaring matulog ka katabi namin," kaswal na sabi ni Flyn at tinapunan ng tingin ang dalaga.

Ang pagtabi ng isang binatilyo at dalaga sa isang kama ay nagpapahiwatig na sila'y mag-asawa.
Higit sa lahat ay hindi maaring makita ng isang lalaki ang paa ng isang babae at isang kabastusan kapag ito'y hinawakan niya sa beywang.

Nanatiling nakatingin si Glo sa mukha ni Siena, nakakunot noo ang dalaga at halos litong-lito na. He finds It cute. Nais niya sanang sabihin ang naisip niyang paraan na kung pwede ay sa salas na lang matulog ang dalaga't siya ang magbabantay rito.

Nahuli niyang nakatingin ang kanyang kaibigan na si Flyn at ang estrangherong si Errol sa dalaga kaya pinili niyang manahimik na lang. Siya'y isang lalaki kaya alam niya rin kung ano ang nasa isip ng kapwa niyang lalaki. Alam niyang lahat sila ay gustong bantayan at protektahan ang dalaga sa 'di malaman na dahilan.

Ang mga mata nila'y dumako kay Casco na kasingpula na ng kamatis ang mukha. Alam nilang lahat sila'y hindi maaring tumabi sa dalaga kaya iisang tao lang ang maaring maging kasama ng dalaga sa silid.

"A-ako'y maghahanda ng panibagong sapin ng higaan," pautal-utal magsalita at mukhang natataranta. Hindi niya hinayaang makita ni Siena ang kanyang mukha kaya agad siyang tumalikod upang itago ang kanyang mukha. Ang puso niya'y mabilis ang kabog tuwing siya'y tinititigan ng dalaga

Sa dami ng aklat na kanyang nabasa ay hindi niya maintindihan kung ano ang kanyang nararamdaman. Pilit niya mang pakalmahin ang sarili ay kinakabahan siya tuwing nakikita ang mukha ng dalaga.

Tatlumpung minuto ng nakahiga't nakatitig sa kisame si Siena ngunit hindi pa rin siya makatulog. Samantala ay nakatalikod naman sa kanya si Casco na panay ang galaw at katulad niya'y hindi rin makatulog.

Nakipagtitigan siya sa kisame at saglit na pinikit ang kanyang mga mata. Totoo ba ang lahat ng ito? Sino'ng maniniwala sa akin kung sinabi ko ito sa iba? Ang dalawang katanungan na iyan ang tanging laman ng isip niya.

Ang silid kung saan sila nakahiga ay maluwang at napakalinis. Ang dingding nito'y gawa sa kahoy, sa gilid ng kama ay may isang maliit na mesa at nakapatong doon ang dalawang aklat. Tanging iyon lang ang makikita sa silid at mga malalaking plorera lamang.

Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon