• Baguette (pastry) A long, thin loaf of French bread that is commonly made from basic lean dough.
_______________Chapter 21
Alysa Espanosa
Dalawang araw na ang lumipas simula nang magising na lang ako rito sa loob ng istorya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano nangyari 'yon. Napabuntong hininga na lang ako habang nakadungaw sa bintana. I demand an explanation.
Mabilis na kumalat ang kaguluhan na nangyari sa bahay ng mayor ng Deria, at nakarating ang balita na 'yon hanggang dito sa Liesho. Naging usap-usapan ang nangyari sa pamilihan at sa bayan. Uso rin pala dito ang mga chismosa?
Dahil doon ay hinigpitan ang bantay sa pintuangbayan ng Deria at kailangan pa ng mga iba't-ibang papeles bago makapasok don. Ayon sa mga narinig ko galing sa mga chismosa sa labas ay nagkaroon daw ng malubhang sakit ang mayor ng Deria at dahil daw 'yon sa gulong dinulot ng isa sa kanyang tauhan.
Nasapo ko na lang ang aking noo dahil wala akong masabihan tungkol dito. Nang magising ako no'n ay nakahiga ako sa isang malambot na sofa at ako'y nasa tahimik na silid-aklatan. Sunod kong nakita sila Errol at Tyler na pumasok sa loob.
Tinanong nila ako kung ano'ng
nangyari kung bakit nakahiga na lang ako't mag-isa. Sinabi ko sa kanilang wala akong matandaan kung ano'ng nangyari at doon ko nalaman na may kaguluhan na palang nagaganap.Bakit pakiramdam ko'y may mga nagbabantay sa akin habang natutulog ako?
Nag-iba ang kabog ng dibdib ko tuwing naiisip ko 'yon. Dalawang araw na ang lumipas ngunit parang 'di ako matahimik. Pakiramdam ko ay may magdala sa akin dito. Pakiramdam ko ay may nagmamasid sa akin mula sa malayo't hindi ko nakikita.
"Putcha, parang kanina mo pa hawak iyan! Hingin mo na kaya!" Natigilan ako sa pag-iisip nang marinig ko ang singhal ni Koen. Nakatayo siya malapit sa mesa't nakataas ang kilay habang nakatingin kay Glo.
"Hindi ba pwedeng nagagandahan lang ako?" Hindi nagpatalo sa kanya si Glo at tinaasan din siya ng kilay. Mas lalo tuloy nangunot ang noo ni Koen at parang bata na bumubulong mag-isa. Napailing na lang ako habang nakatingin sa kanya. Simula nang magising siya ay hindi nagbago ang kaingayan niya't parang walang nangyaring masama sa kanya.
Sunod namang dumako ang mga mata ko sa bagay na hawak ni Glo. It was a sword. The sword shined, reflecting the light as it beamed upon it. Ang hawakan nito'y kulay ginto at may isang pulang diamante sa gitna.
"Patingin nga ako niyan!" singhal ni Koen at akmang hahawakan niya na ang espada ngunit agad itong nilayo sa kanya ni Glo.
"Baka ay madumihan, huwag mo ngang hawakan." naningkit ang mga mata nito kaya lumukot ang mukha ni Koen.
"Ha! Kamay ko lang ang madumi pero ikaw pati budhi mo madumi!" bulaslas ni Koen kaya naigulong na lang ni Glo ang kanyang mga mata't kinuha ang malinis na telang nakapatong sa mesa. Maingat niyang pinunasan ang espada at panay naman ang dakdak ni Koen sa tabi niya.
Nanatili ang tingin ko sa mukha ni Glo habang pinupunasan niya ang espada. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya kaya isang pilit na ngiti na lang ang binigay ko sa kanya.
"May nagbebenta ba ng isda sa pamilihan?" Sunod na pumasok sa loob si Flyn at Errol. May bitbit silang mga panggatong na mukhang kinuha pa yata nila mula sa pinakaliblib na gubat. Kaya pala ang tagal nilang bumalik.
BINABASA MO ANG
Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC
FantasyWattys Shortlisted. A group of high school theatre performers found an old and strange manuscript by an unknown playwright and used it for their final play. Alysa Espanosa, a member of the group discovered something bizarre. ... that everything wr...