41 | The Central Library

727 69 9
                                    

Chapter 41

Alysa Espanosa

Pinilit ko ang sarili kong tumayo't halos dumugo na ang ibabang labi ko dahil kinakagat ko ito upang tiisin ang sakit. Pakiramdam ko'y ilang araw akong hindi kumain dahil kagigising ko lang at kumakalam ang aking sikmura. Kahit tumayo ay nahihirapan ako't nanunuyo rin ang aking lalamunan. Fuck it, I feel ill.

Napasapo ako sa aking noo't minasahe iyon. Sa bawat hakbang na ginagawa ko'y sakit ang kapalit. Ilang araw na ba akong tulog? Why does my body hurts as hell? Napailing na lang ako sa aking sitwasyon. This is bad...

"Ayos ka lang ba?" Lumipat ang tingin ko kay Errol habang siya'y nasa likod ko. "Huwag mong pilitin ang sarili mong tumayo kung hindi mo pa kaya." Nag-aalala niyang sabi ngunit binalik ko lang ang tingin ko sa aking harapan.

"Hindi na ako bata para alalayang tumayo." diretso kong sabi sa kaniya't inobersabahan ang mga tao rito sa labas. Nanatiling blanko ang aking mukha't ginala ang paningin sa paligid.

Ang mga dekorasyong ilaw sa mga kubo'y hindi pa inaalis. Ang mga tao'y abala sa sarili nilang ginagawa. Ayon sa natatandaan ko'y ang Night of Festival ay nagtatagal ng mahigit isang linggo't ang mga tao'y naghahanda pa rin ngayon.

Right as I thought. . . I've only been asleep for a day or two.

"Hindi mo sila p'wedeng sundan." Tumaas ang kilay ko dahil sa sunod na sinabi ni Errol. Hinarap ko siya nang hindi kumukurap at bakas sa aking mga mata ang mga katanungan. Animo'y 'di ko aalisin ang tingin ko sa kaniya kapag hindi siya nagsalita.

"Hindi mo sila p'wedeng sundan dahil..." I puckered my face because I see that he's hesitant to speak. . . His expressions says it all.

Nakatingin siya sa akin ng diretso't kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pag-aalinlangan. Why do they need to hide everything from me, when I already caught their secret?

"Dahil?" naiinip kong sabi habang nakatingin sa kaniya't siya ay hindi naman makatingin sa akin.

"Masyadong delikado kapag ika'y nakita ng iba." Pinigilan ko ang sarili kong gulungan siya ng mga mata.

"Ano ba naman iyan." Napakababaw ng rason niya... bulong ko at bumuntong hininga. Ginala ko ang paningin ko ngunit ang mga tao'y abala sa kanilang mga ginagawa. May mga kalalakihang may buhat na karton na puno ng mga aklat at papel.

I bit the side of my cheek because of frustration. Kanina pa ako naiinip dito. Hindi ko alam kung bakit ayaw akong paalisin ni Errol. Ano ba'ng problema niya?

"Susunod tayo sa kanila." Pagmamatigas ko't humawak sa hawakan ng kalesang huminto sa harap namin. Alam kong tutol siya ngunit pinilit ko ang sarili kong makaakyat sa loob at agad na umupo. Wala ng nagawa si Errol kundi ang sumunod sa akin.

"Saan ang tungo ninyo?"

Agad akong lumingon sa harap dahil boses babae ang aking narinig. Ito'y payat ang pangangatawan at purong itim ang suot. Her hair is hidden by her cloak. Hindi ako sumagot dahil masyado akong naintriga sa kaniya. Babae pala ang mga kutsero nila rito?. . . That's unusual.

"Silid-aklatan ho." rinig kong sagot ni Errol at siya'y tumingin pa sa akin.

"Ang sentrong silid-aklatan?" Nagtatakang tugon ng kutsero sa aming harapan habang nakatingin sa harap. "Ang silid-aklatan ay nasa labas ng kagubatan." Natigilan ako nang siya'y lumingon sa akin at magtama ang aming mga mata.

Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon