Chapter 53
Ikatlong Persona
Nanginginig ang kamay ni Antonio nang buksan niya ang doorknob ng pinto. Napalunok siya't ramdam niya ang panginginig ng kaniyang mga tuhod at halos sumabog na ang puso niya sa lakas ng kabog nito.
Pumikit siya't bumuntong hininga at pilit niyang pinapakalma ang sarili niya kanina. How could he keep calm on a situation like this? His younger sister is missing!
Lahat ng dalagita sa lugar nila'y nakausap niya na ngunit wala sa isa sa mga 'to ang nakakita kay Shaja bago ito nawala. Pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kaniyang ang mukha ni Koen habang ito'y nakatayo sa kaniyang harap. Sila'y parehas na napatalon at bumuglagta sa mukha ng isa't-isa.
"Putcha naman! Aatikihin ako sa pagmumukha mo!" singhal ni Koen at napahawak sa kaniyang dibdib. At lingid sa kaniyang kaalaman na nawawala rin ang kapatid ni Antonio. Sila'y parehas na hapo't nag-aalala.
"Nawawala ang aking kapatid." Hinihingal na sambit ni Antonio at pinunasan ang namumuong pawis sa kaniyang noo.
Napakamot naman sa batok si Koen at sinuklay nito ang kaniyang buhok na basa sa pawis. Ang totoo niyan ay pinasok niya na ito't nagbakasali na naging anyong pusa lang ang kaibigan at naligaw. Ngunit hanggang ngayon ay 'di pa rin niya mahanap ito.
"E, paano iyan! Nawawala rin ang kasama namin!" Natatarantang sabi ni Koen na parang isang batang iniwan ng ina sa loob ng isang grocery store. "Hindi ko alam kung sa'n lupalop ng gubat ko siya hahanapin!" dagdag nito.
"Baka'y nasa kusina't tumutulong sa mga kakabaihan na magluto. Ang mga dalagita'y 'di pinapayagan na makalabas dito sa nayon ng walang kasama." tugon ni Antonio at tumalikod.
Deep inside, he is hoping to see his sister giggling while chopping onions with other maidens. Sa bawat hakbang niya'y umaasa siya na makikita ang kaniyang kapatid na nasa kusina't abala sa pagtulong sa ibang kababaihan ng kanilang nayon.
Samantala'y hindi naman makapali sa kaniyang likod si Koen. Tinakasan niya ang kaniyang gawaing magsibak ng kahoy at balak sanang yayaing dumiretso si Errol sa isang ilog upang magpahangin at humiga sa damo. Ngunit kahit saan siya pumunta'y hindi niya ito mahanap.
Lumiko sila't dumiretso sa kusina ngunit ang bumungad sa kanila ay isang grupo ng kalalakihan na nakatayo sa kusina. Ang mga ito'y abala sa sarili nilang ginagawa. Pansin nila ang isang banga na buhat ni Tobias at sa unang tingin palang ay alam nilang puno ito ng karne.
"Saan ang pinakamalapit na balon rito? Kailangan naming kumuha ng maiinom." Kalmadong tanong ni Tobias at naglakad sa kanilang harapan habang buhat ang banga. Ito'y dumiretso sa harap ng mesa.
Sa luwang ng kusina'y tama ang espasyo para sa mahigit limang tao. Sa bawat kubo ng kanilang nayon ay ang kusina ang binibigyang luwang dahil madalas na aktibo't nagsasama ang mga tao sa pagluluto.
"Nawawala ang aking kapatid." Tila 'di narinig ni Antonio ang tanong ni Tobias sa kaniya. His mind is occupied and he can only think of his sister right now. 'Di niya rin pansin na tila may isang nawawalang myembro ng grupo ni Tobias. The truth is if they were inside of a sinking titanic, Antonio will ignore thousands of people and will only save his sister.
"Nawawala rin ang kasama namin! Nasaan ba sila Glo!" bulaslas ni Koen na animo'y hari ng tondo. Ginala niya ang kaniyang paningin at 'pansin niyang abala ang grupo ni Tobias. Sila'y tila mga langgam na nagiipon ng pagkain sa darating na ulan.
BINABASA MO ANG
Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC
FantasyWattys Shortlisted. A group of high school theatre performers found an old and strange manuscript by an unknown playwright and used it for their final play. Alysa Espanosa, a member of the group discovered something bizarre. ... that everything wr...