24 | The Tale Of Elaria

1.8K 312 50
                                    

Chapter 24

Ikatlong Persona

Ang aklat ay may gintong pabalat at ang papel na ginamit sa mga pahina nito'y mamahalin. Limang beses na nilang binuklat ang aklat ngunit ang pahina nito mula umpisa hanggang dulo ay blanko't kahit tuldok ay walang nakalagay. All the pages in the book were completely blank.

Hindi mapigilan ni Casco ang mapahilamos sa kanyang mukha't pagpawisan. Samantala ay makikita sa mukha ng kanyang mga kasama ang pagkadismaya. Sumakit ang mga binti't paa nila upang libutin ang napakalaking Aklatan ng Azula ngunit isang blankong aklat lang pala ang kanilang hinahanap.

Ang Flamist na kanilang nahanap ay blanko kaya 'di nila mahahanap ang kinaroroonan ng sagradong hiyas o Vespid kung tawagin. In order for the letters to appear, they need to find the Lunia and deliver it to a family rumored to have mastered in elemental magic in Estrela.

''Ako'y wala pa sa edad kaya tanging mga likiro at tula ang tinuturo sa amin sa Akademya.'' Muling napahawak si Casco sa kanyang baba at dumako ang tingin niya sa dalawang tao alam niyang mataas ang antas ng edukasyon. Nakita niya ang repleksyon sa salamin ni Flyn at ang pagtataka sa mukha ni Glo nang titigan niya ang mga ito.

"Hindi ba'y ang mga makaluma't misteryosong aklat ay pinag-aaralan ninyo sa Akademya?" Tumaas ang kilay ni Casco at 'di inalis ang kanyang tingin sa mukha ng dalawa.

Limang beses sa isang buwan ang ginugugol ni Casco upang pumunta sa Aklatan ng Azula. Ang mga likiro sa mga papel lamang ang maari niyang aralin sa Akademya kaya naging kaugalin niyang magbasa sa Aklatan tuwing siya'y may oras.

Madalas ay tanging kasaysayan ng mahika lang ang kanyang mga binabasa't sa buong durasyon ay hindi niya nakita ang aklat na Lunia. Labis niyang pinagtataka ang misteryosong paglitaw ng aklat.

"Dalawang taon lamang ang ginugol kong pag-aaral sa mga aklat na may kinalaman sa mahika." Napakamot sa batok si Flyn. "Sa natirang dalawang taon ng aking pag-aaral ay kumuha ako ng medisina."

Ang Kataas-taasang Akademya ay mayroong apat na taon mahigit at ang mga mag-aaral ay binibigyan ng pagkakataon upang mamili ng nais nilang aralin.

Ang mahika, kasaysayan, elemental magic o 'di kaya medisina ang kanilang pagpipilian. Ang bansang Cantaga ay kilala dahil sa mga akademya nitong may matataas na marka sa mga pagsusulit sa medisina.

"Kumuha naman ako ng mahika't naging kaklase ko si Neo sa isang paksa." kaswal na sagot ni Glo sa kanila.

Tahimik na nakikinig si Siena sa kanyang mga kasama dahil bakas sa mga mukha nito ang pagkaseryoso.
She only saw a few people inside the library, so the ambiance was quiet. She also felt the cold inside as if there was an air conditioner attached in there.

"Hmm, Hindi ba'y nakasaad kung ano't saan ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa Hall of Abyss?"

Nagtatakang sabi ni Flyn dahilan upang mapatingin sa kaniya ang lahat. Ang Hall of Abyss ay isa sa mga lumang aklat na pinag-aaralan ng mga maestro upang ituro sa kanilang mga estudyante. He stared at the shelf in front of them and then an enormous book with a green cover flew in their direction.

Muntik pang tamaan ng aklat ang dalaga't umilag dahilan upang mabangga niya si Koen na kanina pa tulala sa gilid. Isang nagtatakang tingin lamang ang binigay niya sa dalaga at umiwas ng tingin.

Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon