29 | The Sword Festival

1.6K 343 60
                                    

Good evening! Here's an update. Please do tell me about your thoughts for the revised version of Hiraeth Play. I decided to remove unnecessary scenes and add twists. I hope there will be no confusion for my old readers. Feel free to comment!

Enjoy digesting!

____________

Chapter 29

Ikatlong Persona

Ang paligid ay puno ng mga taong nakangiti at nagtatawanan. Nagtatakbuhang mga bata at naghahabulan sa paligid. Mga kalalikihang nagkukumpulan sa gilid at dalagitang may magagarbong suot.

Sa ulo nila'y agaw pansin ang sumbrero na puno ng makukulay na balahibo. The people were all dressed well, and the ladies wore beautiful dresses.

Kaswal na ngumiti si Flyn sa mga dalagitang kumakaway sa kanila. 'Di makapaniwalang dinuro ni Koen ang kanyang sarili dahil ito ang unang beses na makakuha siya ng ganoong atensyon.

A faint smile formed on Tyler's lips as he started looking at the maiden's facial expressions... they're happy. Dopamine is released by their brain and their hearts are beating rapidly because of excitement.

Nanatili namang walang ekspresyon ang mukha ni Neo at nakatingin lang sa harap. Panay naman ang baling ng ulo ni Glo sa paligid dahil wala siyang makita kundi mga naglalakihang disenyong espada na lumulutang sa ere. Samantala'y tahimik na sumusulyap si Errol kay Siena.

Sa kumpulan ng mga tao ay taas noong naglalakad si Deus habang siya ay sinusundan ng grupo ni Siena. Pansin niya na lahat ng kababaihan ay napapalingon sa kanyang mga kasama't bakas sa kanilang mata ang kuryosidad.

Foreign men are attractive in their village. Ilan sa mga dalagita'y lakas loob na kumaway sa kanila. All of the young maidens had their eyes on them. They were like superstars.

Sinulyapan ni Deus si Siena habang ito'y nagmamasid sa paligid. Ginagalaw ng hangin ang itim at bagsak niyang buhok. Ang dilaw na suot nito'y matingkad at agaw pansin at bumagay sa maporselana niyang kutis. Tumingin ito sa kanya kaya agad niyang binalik ang tingin niya sa harap.

"T-tuwing unang linggo ng Marso ay nagkukumpulan ang aming nayon bilang pasasalamat kay Azura." Nanatili ang tingin ng binatilyo habang siya'y naglalakad sa unahan. Muling kumabog ang kanyang dibdib.

The thought of she is listening and watching him in front is making him nervous.

The hut had colorful blinking lights. There were different kinds of ornaments hung up as decorations. The trees stood tall with red blinking lights.

"Azura?" Nagtatakang sabi ni Flyn dahil sa kanyang narinig. Tumingin si Siena sa kanyang mga kasama at napansin na mukhang kabado ang ekspresyon ng mukha ni Glo. Pinagpapawisan ito't mukhang ayaw niya ng maglakad.

"Hindi niyo pa ba narinig ang tungkol sa Kanya? 'Di ninyo ba napag-aralan sa iyong Akademya?" Sinulyapan ni Deus ang kanyang mga kasama't bakas sa kanilang mukha ang pagtataka.

Akmang magsasalita na sana siya ngunit nagkatinginan nila ni Siena dahilan upang maging blanko ang isip niya't kabahan. Agad siyang umiwas ng tingin at pinakiramdaman ang tibok ng puso niya.

Hindi niya maiwasang tanungin ang kanyang sarili kung bakit. Bakit siya kinakabahan tuwing tumitingin sa kanya ang dalaga?

Lumiko sila at bumungad ang grupo ng mga tao na kasalukuyang nanonood sa isang entablado. A big, wide wooden stage where people perform. Mataas ito't kailangan pang tumingala ng mga tao upang makita ang mga nagtatanghal.

Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon