Chapter 48
Tobias
Sumandal ako't naramdaman ang mabatong pader ng silid. Mula sa aking puwesto'y tanaw ko ang labas at kitang-kita ang mga naglalakad na tao. Ako'y nakahalukipkip habang nakatayo sa harap ng napakalaking bintana. The wooden window is six-foot-wide and four-foot-tall. And it was full of hanging seashells. Ang silid kung saan kami naghihintay ay tahimik at tanging tunog lamang ng mga baso ang maririnig.
"Paabot ako ng pilak." Isang makahulugang ngiti ang binigay ko kay Eaton. Mula sa aking gilid ay tinapunan ko ng tingin ang nag-iisang pilak. Ito'y nakapatong sa isang bilog na mesa na aking katabi. Kinuha ko ito gamit ang kanan kong kamay at inabot sa kaniya ngunit agad ko ring sinara ang aking palad. I opened my right palm but the coin is nowhere to be found.
"Hindi ako nakikipagbiruan, gungong!" bulaslas ni Eaton dahilan upang humalakhak ako. Sa isang iglap ay lumipat ang pilak sa kaliwa kong kamay. Binuklat ko ang palad ko't lumutang 'yon sa ere't bumalik sa aking palad. Malawak ang ngiti ni Owen habang ito'y nakaupo mula sa malayo na tila ba natutuwa sa namumulang mukha ni Eaton dahil sa inis.
Ginala ko ang aking paningin sa silid kung saan kami nagtungo. Ang unang palapag kung nasaan kami ay maluwang. Ang dingding ay gawa sa kahoy kung saan nakahilera ang mga naglalakihang estante na puno ng mga diyaryo. Kahit saan ako tumingin ay wala akong makita kundi mga estante't pinikit ko ang aking mga mata upang hindi ako mahilo.
"Nahihilo ka ba? Mabangis talaga ang karma!" Dumilat ako nang marinig ko ang boses ni Eaton at ako'y ngumisi. Inangat ko ang kaliwa kong kamay at binuka ito. Tila kasingbilis ng kidlat na lumutang ang pilak papunta sa kaniyang mukha ngunit ito'y agad niyang sinalo nang 'di siya kumukurap.
"Bibili lang ako ng buko sa labas." Nakangising sabi ni Eaton habang nakatingin sa akin. Binato niya ang pilak sa ere't ito'y kaniyang sinalo.
"Hintayin na muna natin sila," diretso kong sabi't sinuklay ang buhok ko gamit ang aking kamay. Dumako ang mga mata ni Eaton sa bintana't tumingin pabalik sa aking mukha.
"Nakakapagtaka... Hindi ba'y ang sabi mo'y magkikita tayo sa lugar na ito bago ang tanghalian?" Sa boses at tono ng pananalita ni Eaton ay alam kong seryoso na ito. Ako naman ay napaisip at napahawak sa aking baba.
Tama siya. Ang nakasulat sa liham na tinali ko sa katawan ni chipipi ay detalyado't walang labis walang kulang. Para hindi sila mawala'y isang hiwalay na papel kung saan nakaguhit ang mapa ng Macedonia ang sinama ko sa liham. Sigurado akong natanggap nila ang aming liham dahil nang lumipad pabalik sa amin si chipipi ay wala na ang mga papel na tinali ko sa kaniyang katawan.
"Sa harap ng gawaan ng gatas ang ating tagpuan bago ang oras ng tanghalian." Sumandal ako sa estante't binigkas ang eksaktong mga salita na nakasulat sa liham. "Iyon ang sinabi ko ngunit 'di ko alam kung bakit hanggang ngayon wala pa rin sila." Nanatili ang tingin ko sa harap kung saan nakatayo ang isang edipisyo na may tatlong palapag. Ito'y walang iba kundi ang gawaan ng gatas na aming tagpuan.
"O talaga? Sila'y mga dayo sa Nokkan hindi ba? Baka'y naligaw sila rito sa Macedonia!" komento ni Owen. Tumayo ito't agad na naglakad palapit kay Eaton. "Hoy. Sasama ako sa iyo! Kanina pa ako uhaw dito!" malakas niyang sabi na animo'y isang makulit na chikiting.
"Impossible." Lahat kami'y lumingon sa direksyon ni Castor nang siya'y magsalita. Sinandal niya ang kaniyang ulo sa upuan at kami'y tiningnan. "Sigurado akong ang mga dayo na tulad nila'y hindi luluwas papunta rito nang walang kasamang nakatira sa Nokkan. Ang ginuhit na mapa ni Owen ay magulo't mahirap intindihin."
BINABASA MO ANG
Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC
FantasyWattys Shortlisted. A group of high school theatre performers found an old and strange manuscript by an unknown playwright and used it for their final play. Alysa Espanosa, a member of the group discovered something bizarre. ... that everything wr...