Disclaimer:
Be Warned! Some scenes may trigger trauma which are not suitable for readers under the age of (18 ) eighteen and below 🔞. You can also skip scenes if you please. Read at on your own risk.
______________
Chapter 28
Ikatlong Persona
Sa ilalim ng matayog na puno ay nakaupo ang bata sa mga sumasayaw na damo. Humaplos ang hangin sa kanyang balat dahilan upang pumikit siya't damhin ang malamig na simoy ng hangin. Ang nag-iisang puno sa gilid ang lagi niyang pinupuntahan tuwing hinihintay ang kanyang ina.
Pagdilat niya'y nakita niya mula sa malayo ang taong hinihintay niya. Napangiti ang bata't agad na tumayo. Tinaas niya ang kanyang kamay at winagayway sa ere.
"Inay! Inay!" masaya nitong singhal at halos magtatatalon sa tuwa habang ito'y tumatakbo palapit sa kanyang ina. Tumalon siya at isang mahigpit na yakap ang binigay sa ina.
"Bakit ang tagal niyo ho?" Nagtatakang tanong ng bata't tumingala upang makita ang mukha ng ina. Isang malawak na ngiti ang tugon ng kanyang ina at hinaplos ang kanyang ulo.
His forehead weaved as he caught a glimpse of his mother's hand full of bruises and small cuts. Hinawakan niya ang kamay ito't lumawak ang ngiti ng kanyang ina.
Sa gitna ng daan ay nakatayo sila habang ang mga tao'y naglalakad. Ang parke ng Anizona ay ang daan papuntang pamilihan at puno ng tao.
"Inay, 'di ba ang sabi ko'y huwag masyadong magpagod sa paglilinis?"
Animo'y isang maliit na tigre ang bata habang kunot ang noo nito at tanging isang ngiti lamang ang ginanti ng kanyang ina.Ang kanyang ina'y kasambahay sa isang mayamang pamilya. Nagtratrabaho ito ng mahigit walong oras dahilan upang 'di na ito makakain ng agahan at tanghalian.
Simula nang namatay ang kanyang asawa dahil sa malubhang sakit ay pinangako niyang aalagaan niya ang kanilang anak at magsusumikap sa buhay.
Minsan ay tanging ulam nila'y isang pirasong isda at matigas na tinapay kaya nagsasakripisyo siyang hindi kumain ng agahan at ibigay na lang ito sa anak. Sa ganoong paraan siya bumabawi sa mga oras na wala siya sa tabi nito upang magtrabaho.
"Inay. Paglaki ko'y mag-aaral ako sa kilalang Akademya't magiging mahusay na doktor!" Malakas na sabi ng bata at hinigpitan ang hawak sa kamay ng ina.
"Magiging doktor ako't bibilhan ho kita ng mga magagarbong damit at 'di mo na kailangang magtrabaho, Inay!" Determinadong singhal ng bata dahilan upang pagtinginan sila ng mga tao sa daan. Napailing na lang ang kanyang ina at ngumiti.
Ngunit ang pangarap ng bata para sa kanyang ina'y naglaho na lang sa isang iglap.
Puno ng galos ang katawan at ang ibabang labi niya'y dumudugo't halos pumutok na. Namumula at mahapdi ang kanyang mga mata't puno ng pawis ang kanyang katawan. Ang gabing 'yon ay kakaiba para sa kanya dahil tila mas madilim ang paligid at mas malamig ang simoy ng hangin.
Ang sampung taong gulang na si Koen ay kapiling ang matayog na puno na kanyang pinupuntahan. Tumingala siya sa madilim na kalangitan at kahit ano'ng pilit niya'y tumatagos ang tali sa kanyang balat dahilan upang magsugat ang kanyang taligiran.
BINABASA MO ANG
Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC
FantasyWattys Shortlisted. A group of high school theatre performers found an old and strange manuscript by an unknown playwright and used it for their final play. Alysa Espanosa, a member of the group discovered something bizarre. ... that everything wr...