Chapter 66
Emiria
Mula sa malayo ay kitang-kita kong nakaluhod si Siena habang hawak ang kamay ni Glo habang ito ay nakahiga sa hita ni Koen. Nanggigigil akong tumingala't kinuyom ang mga palad ko dahil kahit ano'ng gawin ko ay 'di kami makagalaw. Tila napako ang mga paa namin sa lupa.
I felt like a useless statue. This bastard surely knows that he's over once I can fight him. I wanna choke him to death.
'Di ko lubos akalain na wala akong magagawa ngayon. I didn't see this coming. Napamura na lang ako at sa isip ko'y paulit-ulit ko nang pinatay si Flyn. Pinandilatan ko siya ng mata habang siya'y nakadekwatro pang nakaupo sa upuan niyang lumulutang sa ere.
'Pag nakagalaw ako rito'y katapusan mo na, bugok.
"Awww. I never thought that you'd keep my handmade bracelet full of love," Flyn emphasized the last word and laughed. I can't help but to roll my eyes.
Alam ko kung ano ang sinasabi niya't iyon ay walang iba kundi ang nahulog na bracelet sa lupa. I know that Glo never removed it from his wrist, and I also know that Koen wore one.
Wala sa amin ang nagsalita't kahit ang grupo ni Castor sa likod ko'y tahimik. We are trying to digest everything we heard. Ang dahilan kung bakit kami nandito ngayon ay walang iba kun'di upang hanapin ang nilalang na nasa tabi't kasama lang pala namin. Ang lakas ng loob niyang paglaruan kami.
I bit my left cheek. Halos magmarka na rin ang mga paa ko sa lupa dahil sa inis. Nanatiling nakaluhod si Koen at 'di binibitawan ang kamay ni Glo na tila'y umaasa itong 'di ito bibitaw sa kaniya. The sword pierced into his body hurts but the betrayal that he felt hurts more.
Bakit? Bakit mo kami niloko? Ano'ng kasalanan namin sa iyo?
Saglit kong pinikit ang mga mata ko habang nakatingin sa direksyon nila Glo. I shut my ability to read people's thought because this is not the time to get emotional... I need to focus.
Naningkit ang mga mata ko dahil 'kita kong nag-angat ng tingin si Koen at nanginginig ang kamay niyang nakahawak sa palad ni Glo. Mariin akong napapikit dahil sa sitwasyon naming lahat. I gritted my teeth. Tangina mo talaga, Flyn. Pupugutan kita ng ulo.
Sa pagdilat ko'y agad akong tumingin sa mukha ni Siena. My face puckered because I suddenly felt odd. I don't know why I felt like she is not displaying an emotion that I expect. Nakaluhod lang siya sa tabi ni Glo habang blanko ang mukha. I don't see her crying, or shouting in pain.
"Aren't you happy to meet the man that you all seeking for a long time? I praise you for the effort." Tumingala ako upang titigan nang masama si Flyn. Sarkastiko itong pumalakpak na animo'y tuwang-tuwa sa itsura namin at umiling. If looks could kill, he's probably dead before he can open his filthy mouth.
"So? Did you enjoy your journey? Hmm." Sunod nitong sinara't buka ang kaniyang palad na parang isang bata. Hindi ko inalis ang matalim kong tingin sa mukha niya.
He sat above us and I hate the way he looks. Kung makaasta ito'y parang hari na nakatingin sa mga alipin. Kung talagang matapang siya ay 'wag niya kaming itali rito sa kinatatayuan namin. Hindi ako natatakot at handa akong makipagsapakan sa kaniya.
"Aren't you happy to meet my real face? Ito ang tunay kong mukha't itsura." Nagkibit-balikat siya at sumandal sa kaniyang upuan. Sands formed a halo above his head and spread to his shoulders. Paglaan ng ilang segundo'y unti-unting lumitaw sa leeg niya ang kakaibang simbolo.
BINABASA MO ANG
Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC
FantasyWattys Shortlisted. A group of high school theatre performers found an old and strange manuscript by an unknown playwright and used it for their final play. Alysa Espanosa, a member of the group discovered something bizarre. ... that everything wr...