39 | The Aftermath (1)

843 73 3
                                    

Chapter 39

Ikatlong Persona

Dalawang araw na ang lumipad ngunit hanggang ngayon ay nakahiga pa rin sa kama si Siena at ito ay hindi pa nagigising. Katulad ng inaasahan ay tatlong araw ding hindi umaalis sa kanyang tabi si Errol at madalas ay natutulog na ito sa upuan katabi ng kama ng dalaga.

Panay ang pag-aalala ng lahat sa kalayagan ng dalaga't kahit si Glo na nakahiga rin ay mas inaalala pa ang kalagayan nito. Tuwing gabi'y halos hindi na matulog si Flyn dahil ito'y naghahanap sa mga aklat ng mabisang gamot para sa kanyang mga kasama.

Samantala ay 'di iwasang sisihin ni Deus ang sarili dahil niyaya niya ang grupo ng dalaga upang magsaya't hindi niya akalain na ito ang hahantungan ng The Night Festival. Madalas ay nakikita nila itong nasa gilid at pasimpleng binabantayan ang dalaga.

"Ano'ng balita?" bungad ni Neo nang ito'y pumasok sa loob ng silid. Sa kanan niyang kamay ay hawak niya ang isang basket na naglalaman ng mga tinapay, keso't mga halamang gamot. Lumingon sa kaniya si Errol at sa tingin na binigay nito sa kaniya'y mukhang alam niya na ang magiging sagot nito.

"Hindi pa rin siya gumigising." Bumagsak ang mga balikat ni Neo habang nakatingin sa maamong mukha ng dalaga habang ito'y nakahiga sa kama. She lays on the bed like a fairytale's princess waiting for a kiss. Ang katawan nito'y nakatakip ng isang makulay na tela.

"Hindi matukoy ng manggagamot ang sanhi't bunga kung bakit hanggang ngayon ay nakahiga pa rin siya sa kama." Nanatili ang tingin ni Errol sa mukha ng dalaga't umaasang ito'y magigising. "Ngunit ang sabi sa akin ni Castor ay isang makapangyarihang bagay daw ang humigop ng buong lakas niya." dagdag nito.

Pagkatapos ng nangyaring trahedya sa gabi ng pagdiriwang ay agad na dumating ang mga iba't-ibang manggagamot upang sila'y gamutin. Mysteriously, only the group Siena testified that they encountered twins and wounded them. Nagbunga ng sindak sa mga tao't bisita ang duguang katawan ni Glo at ang walang malay na si Siena. Pati na rin ang katawan ni Errol na puno ng galos at sugat.

Pinaliwanag nila kung ano ang nangyari. . . na sila'y may nakaharap na mga 'di pangkaraniwang magkambal na bata ngunit tanging ang grupo lamang ni Tobias ang saksi sa lahat ng kanilang sinabi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa kanilang isip ang nangyari sa dalaga nang lumutang ang katawan nito sa ere.

Pilit na hindi tinatanggap ni Errol kung ano ang kanyang nakita't ayaw niya rin ito sabihin sa iba. Whatever happened that night in the Festival tells it all; why the maiden can sense and see black magic and why she's immune to some magic.

Ang paglutang ng dalaga sa ere ay nakakahulugang na may makapangyarihang bagay ang misteryosong napunta sa loob ng kanyang katawan. That moment was also proof that the twins had encountered the knowledge of ancient magic.

Kinuha ni Neo ang glass jar sa loob ng hawak niyang basket at ito'y pinatong niya sa mesa sa gilid ng pintuan. Muli siyang tumingin sa dalagang nakahiga sa kama't binalik ang kanyang tingin sa bagay na pinatong niya sa mesa.

The glass jar contained herbs from bloomcroocks... a very well-known kind of flowers that can be found from the deepest cave in Cantaga. Sa hirap nitong hanapin ay ito'y binenbenta sa malaking halaga't katumbas ng tatlong baboy ang presyo nito. Mabibili ito sa limang pilak.

"Noong kayo'y dumating ay naglaho ang magkambal. Ang sabi sa akin nila Eaton ay naglaho rin ang kanilang kaharap kasabay ng kanyang kakambal. Sa tingin ko sila'y may kondisyon kung saan ang lahat ng emosyon at sakit na nararamdaman ng isa'y nararamdaman ng kanyang kakambal." Lumipat ang tingin ni Errol sa blankong mukha ni Neo. "Sa madaling salita'y konektado sila sa isa't-isa." dagdag nito.

Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon