• Plorera - Vase
• Vilaseta (place) A small marketplace
___________Chapter 15
Ikatlong Persona
Pumagitna si Tyler upang harangan si Siena. Naputol ang ilang hibla ng buhok niya ngunit nanatiling blanko ang kanyang mukha. Panghihina ng tuhod at panlalamig ng mga palad ang mga nakita niyang senyas ng takot sa dalaga. Agad niya itong hinawakan sa pulso at hinila palapit sa kanya upang protektahan.
Halos mabingi na ang dalaga sa tibok ng kanyang puso't sumabay pa ang tunog ng espada. Kinulong ni Tyler sa kanyang bisig si Siena at kasabay non ang paglitaw ng simbolo sa kanyang pisngi. Humigpit ang kanyang hawak sa likod ng dalaga't mas lumiwanag ang simbolo ng buwan sa kanyang mukha.
Isang harang ang pumagitna at humiwalay sa kanila sa grupo nila Neo. Panay ang suntok at sigaw ni Glo habang nakatingin sa direksyon nila Siena. Namumula at malapit nang dumugo ang kanyang kamao.
"Siena!" bulaslas niya, sa kanyang tabi'y panay din ang sigaw ni Koen habang hinahampas ang kanyang pamaypay sa harang na iyon.
"Putcha naman! Hoy! Saan galing ito?!" halos magtalsikan na ang laway ni Koen. Lumingon siya sa direksyon nila Neo at bakas din sa kanilang mukha ang pagkalito. Hindi naman mapigilan ni Casco ang magduda sa mag-amang nagbigay sa kanya ng espada ngunit panay ang iling ng mga ito sa kanya.
Naghasik ng lagim ang itim na usok mula sa espadang hawak ni Errol. Hindi natigil ang kabog ng dibdib ni Siena at halos maligo na siya sa pawis. Shit, what is happening? she cursed four times inside her head.
Lumingon siya kay Tyler at sa lapit nito sa kanya'y halos magdikit na ang kanilang mga mukha. Binalanse ni Siena ang kanyang sarili dahil ilang pulgada na lang ang layo ng kanyang mukha sa kanya. Binalik niya ang kanyang tingin sa harap at unang dumako ang kanyang mga mata sa itim na liwanag na nagmumula don.
"Ano 'yong lumalabas sa espada niya?" nagtataka niyang sabi ngunit kumunot lang ang noo ni Tyler sa kanyang narinig. Hindi niya nakikita ang sinasabi ng dalaga kahit halos 'di na siya kumurap habang nakatingin kay Errol.
"Ano ang ibig mong sabihin?" walang ekspresyon ang mukha ni Tyler ngunit bakas sa mga mata nito ang pagtataka.
"Ayan o! Hindi mo ba nakikita?!" singhal ni Siena at dinuro pa sa kanilang harap si Errol. "Ayan o! Ayan! May lumalabas sa espada niya!" dagdag niya. Nanatiling nakatingin si Tyler sa harap at hindi kumukurap kaya agad na nangunot ang noo ni Siena. "Huy!" singhal ng dalaga at kumaway pa sa kanyang mukha ngunit ni kumurap ay hindi nito magawa.
Sunod niyang ginala ang paningin niya sa paligid at nakitang huminto ang lahat na parang estatwa. Mas lalong nangunot ang noo't hindi makapaniwala sa kanyang nakita, sunod-sunod din ang pagmumura niya sa kanyang isip.
Mas lalo siyang nalito dahil nakita niyang naglalakad palapit sa direksyon niya si Errol na halos maligo na sa pawis. "S-sie..." banggit nito kaya agad na lumapit papunta sa kanya si Siena. Mas malamig pa sa yelo ang kamay ni Errol nang hawakan niya ito kaya hindi niya mapigilang kabahan.
"M-may masakit na saiyo?" Nanginig ang boses ni Siena nang siya'y magsalita ngunit imbes na sagutin siya pabalik ay nawalan nang balanse si Errol dahilan para sumubsob ang kanyang mukha sa balikat ng dalaga.
Bumungad sa kanyang panrinig ang kabog ng dibdib ni Siena't nanatili siya sa kanyang posisyon. His limiter is glowing read. Lumulutang na rin paangat ang kanyang kwintas. Senyas na 'pag pinilit niyang gamitin ang natitira niyang lakas ay babalik siya sa anyong pusa.
BINABASA MO ANG
Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC
FantasyWattys Shortlisted. A group of high school theatre performers found an old and strange manuscript by an unknown playwright and used it for their final play. Alysa Espanosa, a member of the group discovered something bizarre. ... that everything wr...