10 | The Plot Change

2.9K 532 35
                                    

Chapter 10

Alysa Espanosa

Piniga ko ang makapal na tela at muling nilubog sa tubig. Ito na nga lang ang gagawin ko pero hindi ko pa magawa ng maayos dahil nanginginig ang mga kamay ko. Muli akong huminga nang malalim at kinuha ang tela at piniga ulit.

Maingat kong binuhat ang puting pusa sa bisig ko at hiniga sa makapal na tela. Nilakasan ko ang loob kong titigan ang sugat at natuyong dugo sa katawan nito't pinunasan. Hindi ko naman akalain na aabot sa ganito ang lahat.

Sunod namang nangunot ang noo ko dahil hanggang ngayon nakasuot pa rin sa kanya ang asul na diyamante niyang kwintas. Hinawakan ko 'yon at tinitigan kaya napansin ko na may maliliit na butil sa loob at kumikislap pa. Binitawan ko na lang ang kwintas niya at pinunasan dahil nabahidan na rin ng dugo.

Malaking palaisipan sa akin kung paano ako napunta rito at lalong-lalo na kung paano ako makakalabas. Hindi ko pa rin maisip kung bakit naging ako si Siena. Isa pa ay hindi ko makalimutan ang ginawa ni Deus kanina bago siya naglaho nang parang bula.

"Walang siyang sama ng loob kay Siena eh," mahina kong bulong at napasandal sa mesa. Napahawak ako sa baba ko at inalala ang kwento ng buhay ni Siena sa manuscript.

Galing sa mayamang pamilya si Siena at kilala sila dahil sa rami ng kanilang lupa't sakahan. Dalawang kaibigan lang ang pinagkakatiwalaan niya at 'yon ay sila Heesha at Deus. Tinaas ko ang dalawang daliri ko habang nag-iisip. Nangunot ang noo nang ma-alala ko na ngayon naman ay magkasabwat silang dalawa at parang ako pa ang masama.

"Wala akong ma-alala na namatay ang nanay niya sa istorya," mahina kong bulong sa sarili at napaisip nang malalim. Mas lalong nagpapalito sa akin ang narinig kong magkakabata sila ni Glo, paano nangyari 'yon? Sigurado akong sila Heesha lang ang kababata niya.

Ang sumalubong kay Siena nang mapunta siya sa Estrela ay walang iba kundi si Heesha. Siya rin naman ang nakasalubong ko pero bakit ako nandito sa Cantaga?

"Tapos ka na riyan sa ginagawa mo?" Muntik kong itapon ang hawak kong tela at napatalon pa ako nang biglang sumulpot si Casco sa pintuan. Siya pa ang nagulat nang makita niya ang mukha ko, kung kailan malalim ang iniisip ko doon pa siya susulpot!

Nataranta ako at agad na pinunasan ang pusa hanggang sa wala ng matira na bahid ng dugo sa balahibo. Hinaplos ko ang katawan nito at natigilan ako dahil na-alala ko na nakita kong naghilom ang sugat ni Errol sa Nearen, pero bakit 'di naghilom ang mga sugat niya tuwing nagiging pusa siya?

"May sasabihin ako sa iyo kaya halika't dalhin mo siya sa aking silid," seryosong sabi ni Casco at umupo muna ako saglit para punasan ang mga paa ko at nang itaas ko ang dulo ng palda ko ay nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa mga paa ko. Umiwas siya ng tingin sa akin at agad na namula ang kanyang buong mukha.

"A-ano sa tingin mo ang iyong ginagawa? A-ako'y bata pa para makakita ng ganyan!" nauutal niyang sabi at tinalikuran ako.

Naglakad siya palayo sa akin at muntik pa siyang matapilok, mukha ring natataranta siya. Napakunot na lang ang noo ko habang nakatingin sa kanya dahil para siyang timang, ano'ng sinasabi nitong batang ito? Bawal ba magpakita ng paa rito?

"A-ano pa'ng ginagawa mo? h-halika na sa silid," pabulong niyang sabi at kitang-kita ko ang pamumula ng mga tainga niya kahit na nakatalikod siya at mukha rin siyang timang maglakad dahil halos manigas na siya.

Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon