Chapter 49
Tasho
Tinulak ko ang kariton na puno ng mga kahon. The cart that I'm pushing is full of wooden boxes. Sa loob naman ng mga kahon na ito'y mga baso't platito na binebenta rito sa maliit na pamilihan ng Macedonia. Lumipat ang tingin ko sa madumi't payat kong kamay. Sa gulo ng aking buhok ay kapanipaniwala na ako'y isang pulubi sa mata ng iba.
Tsk. Hindi ko aakalain na aabot ako sa puntong babaguhin ko ang itsura ko't magpapanggap na isang pulubi.
Ang suot kong mahabang damit ay luma na't ang pulang kulay nito'y kumupas na. Bukod doon ay magtitiis din akong maglakad na walang sapin sa paa para sa tungkulin ko sa mundong ito. Huminto ako't tinuon ang aking atensyon sa isang grupo.
Mula sa aking puwesto'y kita ko ang mukha ni Flyn. I knew that antique ceramic plates will caught his attention. Katulad nga ng inaasahan ko ay huminto siya sa paglalakad at tumayo sa harap nito. Kahit malayo ako'y alam kong ang disenyo ng mga platong ito'y mga bulaklak.
Among them, Flyn loves antique furniture and plates. He knows people who lived for decades too.
Sa pagpapanggap ko bilang naglalako at iba't-ibang tao rito'y napansin kong mahilig ito sa mga makalumang bagay. Kumpara sa mga kaibigan nito ay siya lamang ang interesado sa mga makalumang bagay. Ang totoo'y alam ko na kung 'di dahil sa kahirapan ay siguro'y nakapagtapos ito ng pag-aaral.
"Ika'y nag-aalok ba sa mga dala mo kapalit ang salapi?" Lumingon ako sa aking gilid at bumungad sa akin ang isang matandang lalaki. Katulad ko'y madungis ang itsura nito't pati na rin ang kaniyang buhok. Ang pinagkaiba lang naming dalawa'y siya'y isang maglalako dahil maayos manggas at mahaba niyang gamit. At siya ay nakatayo sa loob ng kaniyang stall.
Nanginginig ang kamay ko't ang noo ko'y nangunot. Hindi naman mahirap kunin ang isang pirasong platito kaya ba't ganito ang aking nararamdaman? Right as I thought, I'm not good in transforming into an old man like her.
Kumpara kay Emiria ay ramdam ko ang panghihina ng aking katawan ngayong pinili kong isang matanda ang aking pisikal ng itsura. I feel ache all over my body. . . so this is how it feels to be old.
"Ayos ka lang ba? Ako'y may nasabi bang hindi maganda?" Hindi ko napansin na ako'y nakatulala na sa ere kaya agad kong binalik ang aking paningin sa kausap kong maglalako.
Pinagpatuloy ko ang binabalak kong gawin na ibigay sa kaniya ang isang pirasong platito. Ang isang ito'y ang pinakamamahalin sa lahat dahil gawa ito sa totoong ginto't sa gitnang bahagi ay may disenyo itong ibon. Isang ibon na nakabuka ang pakpak. It is the blazing Phoenix or also known as the guardian of fire.
Inabot ko sa kaniya ang platitong 'yon at agad kong napansin ang pagbabago ng kaniyang mukha. Noong una'y duda pa siya kung gawa ba sa totoong ginto ang hawak ko't pagkahawak niya'y ito'y kaniyang nakumpirma. Siguradong sa bigat nito'y natukoy niya agad na gawa nga sa totoong ginto ang inabot ko. Lihim akong napangisi dahil sa kaniyang reaksyon.
"Saan mo nakuha ang bagay na ito?" Hindi makapaniwalang sabi niya at kitang-kita ko ang pagningning ng kaniyang mga mata. Nilihis ko ang aking tingin sa kaniya't hinaplos ang mga baso't platito sa aking harapan.
"Ako'y walang tahanan kaya'y nawili ako sa paglalakad mula sa iba't-ibang lugar. Ang platitong 'yan ay bigay sa akin ng isang biyudang may mabuting kalooban. Ang sabi niya'y siya'y isang pulubi rin dati at tinulungan ng ibang tao kaya'y binabalik niya sa mga katulad ko ang tulong na kaniyang natanggap." sabi ko habang nakatingin sa platito na hawak niya.
BINABASA MO ANG
Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC
FantasyWattys Shortlisted. A group of high school theatre performers found an old and strange manuscript by an unknown playwright and used it for their final play. Alysa Espanosa, a member of the group discovered something bizarre. ... that everything wr...