22 | The First Star

1.9K 337 119
                                    

Disclaimer:

If you are reading the comments, you will noticed that some are not related, it's because this a revised version of Hiraeth Play. If you're an old reader, you will also notice that some scenes have changed. I warned you. Nevertheless, enjoy reading and digesting!

_________

Chapter 22

Ikatlong Persona

Kinuyom niya ang sugatan niyang mga palad at pilit na binuhat ang sakong puno ng buko. Ramdam niya rin ang pananakit ng sugat sa kanyang mga paa't tiniis iyon upang maglakad papunta sa kanyang pupuntahan.

Pagkatapos magbuhat ng mga panggatong sa loob ng tatlong oras ay didiretso naman siya sa pangalawa niyang trabaho. Ang magbuhat ng sampung sako upang dalhin sa pamilihan. Matalim man ang tingin na binibigay sa kanya ng mga tao ay hindi niya pinansin iyon upang kumita ng salapi para sa gamot ng kanyang inang umampon sa kanya.

"Ang kapal ng kanyang mukha na lumipat dito." Malakas na sabi ng isang ginang sa katabi nito't nangunot ang noo habang binabantayan ang kanyang paninda. Ang kanyang mata'y puno ng panghuhusga habang nakatingin sa binatilyo naglalakad habang buhat ang isang sako.

Kasabay ng pagtulo ng pawis mula sa kanyang mukha't pangangawit ng mga kamay, nanatiling diretso ang tingin ng binatilyo sa harap. Mula nang mangyari ang kaguluhan sa Deria ay naging mainit ang balitang 'yon sa Liesho.  Naging mainit din ang kanyang pangalan sa dalawang lungsod.

Siya ay walang iba kundi si Jaze Clarkson. He was accused for being a non-human. Someone claimed to see him changing his form. He was falsely accused of a crime he did not commit.

In Deria's law, non-humans are illegal in the city. So, he was sentenced to be banished and cast out of the city- never to return.

"Isang sako lang ba 'yang dala mo?" Ang pag-iisip niya'y nahinto nang kanyang marinig ang boses ni Eduardo. Ang matandang kanyang pinagsisilbihan. Katulad ng dati ay nakasandal ito sa pader at humihithit ng tobacco.

Dumaan ang makapal na usok sa mukha ni Jaze ngunit hindi man lang ito umubo't kumurap at nanatiling nakatitig sa sementandong daan na kanyang tinatapakan. Tanging nakikita niya lang ang pagtulo ng mga pawis mula sa kanyang mukha't mga kamay.

"Isa lang ho." magalang nitong sabi.

Tinapik ni Eduardo ang kanyang balikat at muling nagbuga ng apoy mula sa kanyang hinihithit. "Kumuha ka ng lima pa't dalhin dito. Pagbalik ko ay may pag-uusapan tayo."

Naiwang nakatulala sa kanyang pwesto ang binatilyo dahil sa kanyang narinig. He knew it. Alam niyang mawawalan uli siya ng trabaho sa pagkakataong ito. Mula nang mapatalsik siya bilang bantay ng pintuang bayan ng Deria ay halos lahat ng trabaho'y napasukan niya.

Pinilit niya rin ang sariling kumuha ng dalawang trabaho. Mula sa pagkalkal ng mga basura't yero ay pati ang paglilinis ng maduduming kanal ay pinasukan niya na nguit hindi pa rin 'yon sapat para sa gamot ng kanyang ina.

Sa gitna ng tahimik na paligid ay tahimik din siyang nagdudusa. Gusto niyang magwala't sumigaw. Gusto niyang ilabas lahat ng sakit ng loob na naipon at hindi niya nalabas ngunit lahat ng tao'y pinapanood siya.

Ayos lang ako. 'Yan ang katagang pilit niyang sinisiksik sa kanyang kokote. Lumala man ang sugat sa kanyang mga paa ay wala siyang pakialam. Kilala siya ng mga tao sa pagiging respansable at siya'y maasahan sa lahat. . . ngunit ano'ng nangyari ngayon? Pakiramdam niya'y bumaliktad ang kanyang mundo.

Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon