16 | The City of Peace

2.5K 420 69
                                    

Chapter 16

Alysa Espanosa

Halos masira na ang eardrums ko sa ingay ng paligid. Mariin akong napapikit dahil sa panay ang hiyaw ng mga tao at hindi ko alam kung bakit, leche. Tiniis ko ang ingay mula sa paligid. Mabuti na lang at hindi ako nahihirapan maglakad dahil sementado ang daan.

"Putcha! Katapusan ko na!" Lahat ng tao'y napatingin sa direksyon namin dahil sa biglaang pagsigaw ni Koen. Nakapikit siya nang mariin at tinatakpan ang magkabilaan niyang tainga kaya agaw atensyon.

Hindi ko siya masisisi dahil ramdam ko ang paghihirap niya. Muli akong napapikit dahil konti na lang ay malapit na rin akong magreklamo dahil sa ingay. Napailing na lang ako't napansin ko ang paglingon sa akin ni Flyn ngunit agad din siyang umiwas ng tingin.

"Ito ang tanyag na pamilihan namin kung saan naghahanda ang mga tao't nagbibigay pugay sa kaarawan ng aming mayor." Nanatiling nakatingin sa harap ang lalaking nagpapasok sa amin.

Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang kapatid ni Haleina. Pagkatapos silang paalisin ni Casco dahil sa weirdong espada na binigay nila, paano niya kami nagawang papasukin dito? Napakunot na lang ang noo ko dahil sa naisip ko.

"Ang selebrasyon ng aming mayor ay pinaghahandaan dito sa aming lungsod." Napatango na lang kami sa kanyang sunod na sinabi, pagkatapos ay nagsalita naman si Casco dahil silang dalawa ang magkatabi habang naglalakad sa aming harapan.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong manibago dahil sa lugar na aming napuntahan. Magara ang suot ng mga tao't matingkad ang kulay. They wear traditional yet elegant black robes made in fine silk. Mula sa malayo ay napansin ko pa rin na makapal ang tela ng kanilang suot at puno iyon ng bulaklaking disenyo.

Sa mahigit sampung minuto na paglalakad namin ay isang bagay lang ang aking napansin. People are gawking at me and it's pissing me off. Hindi ko ba alam kung bakit pinagtitinginan ako, tipong kulang na lang ay mabali ang kanilang leeg.

"Kayo'y imbitado rin pala sa kaarawan ng mayor." Nabalik ang diwa ko dahil tumaas ang boses ng lalaki sa harap. Pasimple niyang pinagpag ang kanyang mahabang suot upang tumingin sa akin kaya napakunot ang aking noo. He too, was staring at me.

Nilihis ko ang aking paningin sa ibang direksyon upang iwasan siya. Nagkunwari akong pinagmamasdaan ang mga tao ngunit napansin kong lahat sila'y lumilingon sa akin. For some reason, their stares felt uncomfortably weird. Why are they staring at me? Is it because of my clothes?

Naputol ang iniisip ko nang makita kong nasa tabi ko na si Koen, lumapit siya sa akin kaya nagbanggaan ang mga balikat namin. Mukha namang walang kaso sa kanya iyon ngunit nanlaki ang mga mata ko nang ilapit niya ang kanyang mukha sa akin at huli na nang napagtanto kong may ibubulong pala siya.

"Kanina ka pa tinitingnan niyan."

Hindi ko matukoy kung saan lupalop ng mundo siya kumukuha ng kapal ng mukha dahil nagawa niya pang ituro ang lalaking nasa harapan namin. Oh, shit! Hinawakan ko ang kamay niya at binaba iyon. Tinaasan niya naman ako ng kilay at pinandilatan ko siya bilang tugon.

Lumingon sa amin si Casco dahilan para matigilan ako't umiwas ng tingin. In my peripheral vision, I can see that he is still looking at me. Hindi ko maiwasang mailang dahil sa kanya. He keeps on staring at me.

Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon