Chapter 1 is dedicated to @MizzyFantasia! Thank you so much for the book cover! :)
________________Chapter 1
Alysa Espanosa
"Hindi ka pwedeng umalis." Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak niya sa braso ko, "Mapapahamak ka lang, maniwala ka sa akin." Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya pero hindi ko 'yon pinansin at diretso lang ang tingin ko sa kanya.
"Buo na ang desisyon ko at walang makakapigil sa akin kahit na ikaw." matigas kong sabi kaya namuo ang pawis sa noo niya't pinunasan niya 'yon sa harap ko gamit ang kamay niya. Gusot na ang mahaba niyang suot at wala na sa ayos ang rosas sa buhok niya.
"Tatlumpung minuto ang byaheng bangka mula Flara hanggang dito." sabi niya at agad kong inalis ang pagkahawak ng kamay niya sa akin.
"Hindi na ako babalik sa Estrela." tumigil ako saglit para titigan siya bago magsalita uli.
"Siena-"
"Ano ba naman 'yan, Alysa Espanosa." Nasapo ni Danica ang noo niya dahil sa akin, "Paulit-ulit tayo rito, hindi mo pa rin ba nakakabisado mga linya mo?" walang preno niyang sabi habang nakatingin sa akin.
Hindi ako nagsalita kasi tama naman ang sinabi niya, nakakahiya rin dahil nasa public place kami. Padami nang padami ang mga nanonood sa amin dito sa Archer's Park. Ito ang ginagawang meeting place at tambayan ng mga estudyante.
Puno ng mga benches ang Park at puno rin ng magagarbong puno at may isang stage sa sentro at doon namin madalas nakikitang sumayaw ang mga iba't-ibang dance troupe.
Mainit dahil tirik na tirik ang araw kaya naman ay pinagpapawisan kami nang sobra dahil sa suot namin. Agaw pansin ang suot naming Maria Clara at naka-ayos naming buhok.
"Kahit kailan hindi na ako babalik ng Estrela," Tinaas ni Danica ang hawak niyang script. "Tuluyan ko ng kinalimutan ang Festro. Ang lugar kung saan ako lumaki dahil mas kinakailangan ka nila Glo at Koen!" singhal niya sa mga linya ko at winagayway ang script. Mas lalo akong nahiya dahil sa ginawa niya.
Sayasiniglo Performing Group ang pangalan ng grupo namin at kami ang opisyal na performing club ng aming Unibersidad. Nahati kami sa tatlong grupo, ang singing club, dance troupe at ang theatre group.
Bakas sa mukha ni Danica ang pagkadismayado sa akin. "Alysa naman, ngayon ka pa nagkaganito!" pinunasan niya ang pawis sa noo niya sa harap ko. At kitang-kita ko sa kanyang singkit na mga mata ang pagod at pagkadismaya.
"Iʼm sorry," mahina kong sabi at nanahimik saglit. This is so embarrassing, people are watching us. Hindi rin ako makatingin nang diretso sa mga nanonood sa amin dahil parang pinapahiya ko ang school namin. Ang mukha ni Danica ay pinagpapawisan na't napakagat labi pa siya sa inis. Nilihis ko ang tingin ko dahil kinakain ako ng hiya.
"Hindi ko kasi alam kung bakit pa kailangan nating magpasa ng trailer nito kay President." reklamo niya at tiningnan kami isa-isa. "Ano ba naman 'yan! hindi pa tayo kumpleto!" sigaw niya at napansin ko ang pagsisialisin ng ibang manonood sa amin. Nakakahiya talaga.
"Umayos kayong lahat kung ayaw niyo masermunan uli kay President." Nilipat niya ang tingin niya kay Rico na halos kaharap lang namin. Nakita ko namang napahawak si Rico sa DSLR camera niyang nakapatong sa standee at tumingin sa gawi namin ni Danica.
"Ilang beses na naming inulit pero halos wala pa ring tumama pwede bang i-cut mo na lang 'yong iba?" nahalata ko ang pagiging sarkastiko ni Danica sa tono ng pananalita niya't
napansin ko pang tumingin muna sa akin si Rico. At nang tingnan ko naman siya ay agad din niyang nilipat ang tingin niya kay Danica.
BINABASA MO ANG
Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC
FantasyWattys Shortlisted. A group of high school theatre performers found an old and strange manuscript by an unknown playwright and used it for their final play. Alysa Espanosa, a member of the group discovered something bizarre. ... that everything wr...