23 | The Book Of Life

1.9K 341 86
                                    

Kuwadra (place) - Market 'Stall'

____________

Chapter 23

Alysa Espanosa

Tirik na tirik ang araw at puno ng tao ang pamilihan nang lumabas kami. Habang naglalakad ay inobserbahan ko ang paligid. Sementado ang daan at sa gilid ay nakatayo ang mga market stalls.

The people were selling all kinds of various goods like teacups, vases, pots, hair ornaments and more. Some of the goods they were selling were new to me. What really caught my eyes, were the paintings. . . they were all smiling and waving as if they were all alive. Holy, shit. What kind of sorcery is this?

I can see floating golden plates and crystal lotus lamps in the air.
Kumikinang ang mga plato sa taas at ang ilaw mula sa mga crystal lamps ay makulay. Nakangiti ang tindero habang nanghihikayat ito na bumili sa kanyang mga paninda na agaw pansin dahil lumulutang ang mga 'yon sa ere.

"Ang pamilihan na ito'y may pwesto kung saan sila'y nagtitinda ng mga makalumang aklat." Natigilan ako sa paglinga sa paligid nang magsalita si Casco sa aking harapan.

Pumunta kaming lahat sa pamilihan na para bang walang nangyari kanina. Naiwan kaming nakatulala't pagod nang mawala siya sa isang iglap. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na nagawa niyang gayahin ang hitsura't katawan ni Jaze.

Dumiretso kami sa pamilihan ngunit hindi sumama sila Neo, Tyler at Errol. Ang sabi nila sa amin ay mas mabuting may maiwan sa bahay ni Casco. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin na napakababaw ng rason nila kung bakit hindi sila sumama sa amin ngayon. They are acting so weird lately.

Sa tuwing naiisip ko ang nangyari sa amin kanina ay nanlalamig ang buong katawan ko. That shit is eerie. Nanatiling diretso ang aking tingin sa harap at pilit na nililihis ang atensyon ko.

"Hay ano ba 'yan. Akala ko ba'y bibili tayo ng agahan?" Koen uttered suddenly as he folds his arms behind the head openly. Nakatingin lang siya sa harap pero ramdam ko na nagpaparinig siya.

"E 'di umuwi ka mag-isa't mag-agahan." Naningkit ang mga mata ni Glo sa kanya at napansin kong ganoon din ang ginawa ni Flyn.

"Aba putcha, hindi naman ako tulad ninyo na gumagamit ng mahika't nagpapalitaw ng kung anu-ano!" Malakas ang boses ni Koen dahilan para pagtinginan kami ng ilang mamimili. Ang iba'y lumilingon na rin sa amin.

Napasapo na lang ako sa noo habang naglalakad dahil sa atensyon na natatanggap namin. Malapit ko na tapalan ng duck tape 'yong bunganga ni Koen. Makakapagsalita pa kaya siya 'pag ginawa ko 'yon?

''Nagpapalitaw ng kahit ano?'' Natigilan kami nang magsalita uli si Casco at humarap sa amin. ''Kaya niyo bang gumamit ng varionosa? Lahat ba ng bagay ay kaya niyong palitawin? '' nagtataka niyang sabi't napahawak sa kanyang baba.

Lumingon ako sa direksyon nila Glo at Flyn dahil napansin kong nag-aalinlangan silang magsalita.

''Hindi kami bihasa sa mahikang ganon. . . tanging ang mga iskolar ng Akademya lamang ang nakapag-aral ng varionosa't iba pa.''

Hindi nagsalita si Casco dahil sa sinabi ni Flyn at bakas sa mukha niya na may gusto pa siyang sabihin pero sa huli ay isang nagtatakang tingin lang ang binigay niyang tugon. So weird.

Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon