38 | The Endgame

845 79 7
                                    

Chapter 38

Ikatlong Persona

Tuluyan nang bumuhos ang ulan kasabay ng malamig na simoy ng hangin. Sa ilalim ng matatayog na puno'y nakatayo ang dalawa't tanging laman ng mga isip nila'y pag-aalala.

Sa hindi inaasahan ay nagkasalubong sila Flyn at Neo at sila'y parehas na nahiwalay sa kanilang kapareha. Nanatili ang tingin nila sa kalawan habang pinagiisipan kung ano ang mga susunod nilang gagawin. Nasaan kaya ang kanilang mga kasama?

"Ano'ng nangyari't mag-isa ka na lang?" Sinuklay ni Flyn ang kanyang buhok na ngayon ay basa na dahil sa ulan. Nanatili ang tingin niya sa blankong mukha ni Neo habang ito'y nakahalukipkip.

"Hindi ko alam." Diretso nitong sagot sa kaniya habang nakatingin sa kawalan. "Paglingon ko sa likod ay mag-isa ko na lang. Sinubukan kong hanapin sa kagubatan ang kasama kong babae ngunit parang paikot-ikot lang ako sa iisang lugar." dagdag nito.

Nasapo ni Flyn ang kanyang noo't hinilot ang kanyang sentido habang nakabuka ang isang palad nito't lumulutang ang compass sa ere. Kahit ang kasama niyang si Neo ay hindi rin matukoy kung ano ba ang nangyari sa kanilang lahat. The Night of Festival indeed became the longest night that they encountered.

Lumipat ang tingin ni Neo sa bagay na lumulutang sa ere. Ito'y hugis bilog at mas maliit sa palad ni Flyn. Its glass was shiny and had no scratches on it, meanwhile its metal is made of gold. In the middle part of the compass is an engraved magic symbol and then the directions were also curved in gold. It made the compass look classy.

The compass that was formerly had its glass broken and had full of rust is now fixed and looked brand new and elegant. This was repaired by none other than Casco Leav Zueco. The compass shows proof that his skills are superb as a craftsman at a very young age.

"Ang naging kapareha ko ay si Siena."

Parehas na natahimik ang dalawa sa mga salitang sinabi ni Flyn. Sila'y nakatitigan at ang unang umiwas ng tingin ay si Neo. Sumandal ito sa puno't tinuon ang atensyon sa madilim na paligid. Napalunok ito't pinilit ang sariling mag-isip ng sasabihin.

"Mabuti naman at ang naging kasama niya'y ikaw." Nanatili ang tingin ni Neo sa kalawan habang nakatikom ang kanyang mga labi ngunit alam niya sa sariling niyang madami pa siyang gustong sabihin.

Paano kung siya'y napunta sa sitwasyon ni Flyn? Paano kung naging kapareha't kasama niya ang dalaga? Mawawala rin ba ito sa kanyang tabi?

If he became her partner, will things still be the same?

Imbes na magsalita't sabihin ang kanyang saloobin ay pinili ni Neo na manahimik at pinagmasdan ang madilim na tahimik na kagubatan. Tumingala siya't sumalubong sa kanyang paningin ang mga butil ng ulan. Siguro nga'y mas mabuti kung si Flyn ang nakasama ni Siena ngayong gabi dahil ito'y maasahan sa lahat ng bagay at siya ang utak ng kanilang grupo.

''Hindi mabuti ang pakiramdam ko ngayong gabi.'' Natigil ang pagmumuni-muni ni Neo nang magsalita ang kanyang katabi. Ito'y nakatitig din sa kalawan at nakabulsa't nakasara ang palad. ''Pakiramdam ko'y ibang laro ang pinasok natin at kutob ko rin ay isa sa atin ang hinahabol.'' Mahigpit na hinawakan ni Flyn ang kanyang compass at ito'y pinalutang niya uli sa ere.

''Ano ang ibig mong sabihin? Wala tayong ginawang masama upang habulin tayo.'' Nagtatakang tugon ni Neo sa kaniya ngunit hindi nagbago ang seryoso nitong mukha na halatang may iniisip. Isang diretsong tingin ang naging tugon ni Flyn kay Neo.

Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon