Chapter 14
Alysa Espanosa
Maingat kong pinatong ang nilutong sopas sa mesa at napabuntong hininga. Namalengke't nakaluto na kami pero wala pa ring gising sa kanila. Nagkatinginan kami ni Flyn dahil hanggang ngayon ay kaming dalawa lang ang nasa kusina't gising.
Ngumiti siya sa akin at naiwan akong nakatingin sa likod niya habang naghihiwa siya sa gilid. Mabuti pa rito ay marunong sa gawaing bahay ang mga lalaki, samantala sa totoong mundo ay walang inasikaso kundi mga bisyo at palamunin lang sa bahay.
Nag-ayos ako ng mesa at naninibago ako dahil gawa sa kahoy ang mga plato at kutsara. Dalawa lang ang kaya kong hawakan dahil sa bigat. Muntik ko pang mabitawan iyong isa mabuti na lang ay agad na pumunta sa tabi ko si Flyn. Napamura na lang ako sa aking isip dahil muntik na akong makasira ng plato.
Nagtama ang mga balikat namin at muli kaming napatingin sa isa't-isa. Agad siyang umurong at gumawa ng distansya't umiwas ng tingin sa akin. Tinuon ko rin ang atensyon ko sa iba ngunit nanginginig pa ang mga kamay ko dahil pakiramdam ko'y pinapanood niya ako. I bit my left cheek to calm myself. Kinakabahan talaga ako tuwing may nanonood sa akin!
Nilapag ni Flyn ang hawak niyang plato at naningkit ang mga mata ko dahil hindi ko maintindihan kung anong uri ng pagkain ang nandon.
Ang nakakuha ng atensyon ay walang iba kundi ang isang hugis bilog na mukhang kakanin. Kulay lila ang kulay at kung titingnan nang matagal ay parang napakalambot. Sunod naman akong tumingin sa isang karne na hindi ko matukoy kung anong luto.
Bumalik ako sa mesang pinanggalingan ko upang buhatin ang susunod na plato, pasimple ko pang inamoy ang isang putahe na 'di ko rin matukoy kung ano. Nagmumukha na akong timang dahil sa kuryosidad ko. Hinawakan ko ang plato at hindi ko napansin na nasa gilid ko si Flyn kaya nagkabanggaan kami't nabuhos ang laman ng hawak ko sa damit niya. Oh, shit!
Naiwan akong nakatanga sa kanyang harap at huli na ang lahat dahil nadungisan ang puti niyang suot. Kahit siya ay nagulat sa nangyari't nakatulala sa harap ko. Agad kong kinuha ang nakita kong puting tela sa mesa at pinunasan ang dibdib niya upang alisin ang mantsya sa kanyang damit.
"Sorry! Sorry! Ang tanga ko! Hindi ko napansin!" natataranta kong sabi't nanginginig pa ang kamay ko. Napansin kong hindi siya umiimik at gumagalaw habang panay ang punas ko sa dibdib niya. Natigilan ako dahil napagtanto kong masyado na akong dumidikit sa kanya. Tumingala ako sa kanya upang makita ang kanyang mukha at nakita kong nakatingin lang siya sa akin.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto at bumungad sa amin si Errol kaya agad kaming lumayo ni Flyn sa isa't-isa at nagkunwaring may ginagawa. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa inasta ko kanina.
Muntik pa akong makabasag ng plato't nadungisan ko rin pa ang suot niya kanina. Nakaramdam din ako ng hiya dahil halos isiksik ko na ang sarili ko sa kanya kanina. Shit, ang landi mo, Alysa!
Seryoso ang mukha ni Errol nang maabutan niya kami sa ganong posisyon kanina at ramdam ko pa ang lamig ng tingin niya kay Flyn at kung tumingin siya sa kanya ay parang gusto niyang makipagsuntukan.
Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kong pagkunutan siya ng noo. Ano'ng problema non at ganon siya makatingin? Napailing na lang ako at kinuha ang nakita kong dalawang baso. Tahimik pa rin si Flyn kaya ako na ang lumayo sa kanya.
Muli kong na-alala ang nakita kong pulang balabiho habang naglalakad kami ni Flyn pauwi. Ang totoo'y pinakita ko iyon sa kanya ngunit sa hindi malaman na dahilan ay nagtaka siya at sinabing wala akong hawak. Napagtanto kong ako lang ang nakakakita ng mga bumabagsak na pulang balahibo mula sa taas kaya hindi 'yon mawala sa isip ko.
BINABASA MO ANG
Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC
FantasyWattys Shortlisted. A group of high school theatre performers found an old and strange manuscript by an unknown playwright and used it for their final play. Alysa Espanosa, a member of the group discovered something bizarre. ... that everything wr...