12 | The Book of History

2.6K 499 23
                                    

Selula (Cells)
________

Chapter 12

Alysa Espanosa

Isang lalaking nakaupo sa aking tabi ang bumungad sa 'kin nang dumilat ako at nanlalabo pa ang aking paningin kaya hindi ko makita ang kanyang mukha.

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at dumilat uli kaya unti-unting naging klaro ang aking paningin at ang nakita kong nakaupo sa tabi ko ay walang iba kundi si Errol. Hala, shit! Agad akong umayos ng upo at napaawang ang aking bibig dahil sa gulat. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kanina.

Tumingin siya sa akin at nagtaka ako, hindi man lang siya nagulat dahil gising na ako. Walang ekspresyon ang mukha niya at ang mga mata niya'y sa akin lang nakatuon. Ang kanyang buhok ay magulo at ang kwelyo niya ay maluwang. Napalunok na lang ako't umiwas ng tingin sa kanya, bakit iba na ang suot niya?

Pumasok sa loob si Casco habang bitbit ang panibagong dalawang makakapal na aklat. Katulad ng dati ay nakayuko siya't nakatingin sa mga aklat na hawak niya, kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Ilang aklat na kaya ang nabasa niya habang natutulog ako kanina?

Pagkatapos ng ilang segundo ay tumingin siya sa akin at lumipat ang kanyang tingin kay Errol. Naglakad siya papunta sa mesa at pinatong don ang dala-dala niya.

Dumako ang mga mata ko sa katabing kahon ng mga aklat, iba ang kabog ng dibdib ko at nagsimulang manuyo ang aking lalamunan dahil sa kaba. Dapat ko bang sabihin sa kanila na nakita ko ang Flamist kanina?

Nagbago ang ekspresyon ng mukha ko't napasimangot na lang dahil isang bagay isang bagay ang na-alala ko.
Sinabi nga pala ni Deus na ako ang nagnakaw ng Flamist sa munisipyo.
Kinagat ko ang gilid ng aking pisngi at nakipagtitigan sa dingding.

Hindi man lang nagsalita si Casco tungkol sa Flamist kanina at kung talagang ninakaw 'yon, hindi ko makikita sa gamit ni Deus ngayon. Sino'ng niloloko niya? Ako pa talaga ang ituturo niyang salarin sa pagnanakaw! Muli kong kinagat ang gilid ng pisngi ko habang nakakunot noo dahil hindi pa rin pumapasok sa isip lahat ng nangyari sa akin dito sa loob.

"Ayos ka lang ba?" Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko dahil biglang nagsalita si Errol. Lumingon ako sa kanya habang nanlalaki ang mga mata at napahawak pa ako sa aking dibdib. Nakatingin naman siya sa mga mata ko nang diretso kaya nakipagtitigan ako sa kanya.

"May bumabagabag ba sa iyong isipan?" Umiling ako ng paulit-ulit sa kanya bilang tugon at tinitigan niya pa ako saglit na para bang hinihintay niya kung babawiin ko ang pag iling ko. Pagkatapos ng ilang segundo ay umiwas siya ng tingin sa akin at tumingin sa kalawan.

"Narinig niyo na ba ang tungkol sa fareosa?" Tumingin sa gawin namin si Casco at binaba ang aklat na hawak niya. Nanahimik na lang ako saglit dahil hindi ko naintindihan ang huling salita na sinabi niya kanina. Ilang mga salita pa ba ang mga maririnig ko dito? Ang hirap namang sumabay sa kanila!

"Iyon ba ay isang makalumang gamot?" Laking pasasalamat ko nang sumagot sa kanya si Errol. Tumingin ako sa direksyon nila Neo at nangunot ang noo ko dahil sa tagal kong nakaupo ay ngayon ko lang napansin na wala don si Glo.

"Ito ba ang aklat na pinapakuha mo?"

I instantly froze where I'm seated. Dahan-dahan pa akong lumingon sa pinagmulan ng boses na iyon at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nakatayo sa pintuan si Glo. Salitan ko pang tiningnan ang mukha niya at ang kama kung saan ko siya huling nakitang nakahiga kanina kaya nagmukha akong timang.

Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon