45 | The Two Worlds

673 60 2
                                    

Chapter 45

Tasho

Nakatulala kong sinalubong ang mga naglalakad na tao sa pedestrian lane. Karamihan sa kanila'y nakasuot ng uniporme pang-opisina, kumpulan ng mga estudyanteng magkakaibigan at inang naglalakad habang hawak ang kamay ng elementarya nilang anak.

Ang ingay ng mga sasakyan at ang mga naglalakihang buildings ang sumalubong sa aking pagbabalik. Para akong mababaliw dahil kahit saan ako lumingon ay hindi ko makita rito si Emiria. Akala ko'y pagkatapos niyang mawala sa mundo ng manuscript ay dito siya mapupunta. Umasa akong nandito siya.

I felt my phone vibrate in my pocket. Kinuha ko ito't una kong pinuntahan ay walang iba kundi ang messenger app ko. Tadtad din ang notifications ko sa Facebook ngunit 'di ko ito binuksan. Agad akong dumiretso sa search bar at nanginig ang kamay ko dahil hindi ko makita ang profile ni Emiria.

I wish this were just a nightmare that I could wake up from. My bestfriend is gone in both worlds.

Naglakad ako't hindi pinansin ang dami ng mga tao. Nanatiling diretso ang tingin ko sa harap na tila'y wala akong naririnig na tunog sa aking paligid. My mind is occupied for I only think of why she's gone and where she is now. Kahit ang mga litrato naming dalawa'y bigla na lang nawala. Pakiramdam ko'y kasalanan ko ang lahat ng ito.

I put my hands in my pockets and walked straight. Tumingala ako upang masilayan ang mga naglalakihang buildings na puno ng ilaw sa aking paligid. Ang mga taxi na huminto sa aming harapan upang kami'y makatawid. Pati ang pagbabagong kulay ng street lights ay pinagmasdan ko.

Nang ako'y makatawid sa kabilang daan ay nanatiling nakatayo ang mga tao upang maghintay. Nilingon ko sila't umasang makikita ko si Emiria ngunit tulad ng inaasahan ay ako'y umasa lang sa huli. Mula sa aking bulsa'y kinuha ko ang sigarilyo ngunit napatitig lang ako rito dahil isang bagay ang na-alala ko.

Ayaw niya nga palang naninigarilyo ako.

Napailing ako't nilagay ang sigarilyo sa pagitan ng dalawa kong daliri't pinaikot-ikot. Nang makakita ako ng basurahan ay agad ko itong tinapon.
Na-alala ko ang huli naming pag-uusap sa kabilang mundo. Ang sabi niya'y gagawin niya ang lahat upang maayos ang istorya. Ang sabi niya sa akin ay tutulungan niya sila Alysa. Sa sobrang pagtulong niya sa ibang tao'y halos 'di niya na maisip ang kaniyang sarili.

Ang totoo'y gusto kong magwala sa daan. Gusto kong sumigaw at ilabas lahat ng sama ng loob na kinikimkim ko. Ang sabi ko'y proprotektahan ko siya sa kabilang mundo ngunit sa huli'y nagsakripisyo siya para sa amin.

Lumiko ako't dumiretso sa isang café shop na lagi kong pinupuntahan. Malaki ito't makikita mula sa wall glass na puno ng tao ang loob. Karamihan sa kanila'y mga nakaunipormeng estudyante na tumatambay lang sa loob at ginagamit ang WiFi ng café sa Facebook at sa paglalaro ng Mobile Legends.

Sa pagpasok ko'y tumunog ang nakasabit na wind chimes sa pinto't maingay man ang paligid ay agad na lumingon sa akin ang barista ng café at ito'y kumaway sa akin. Ang kalayuan ng mga mesa't upuan para sa mga customer ay sakto lang. The table is only for two.

The café is designed with industrial interior. Tanging mga kulay itim, puti at kayumanggi lamang ang makikitang kulay sa loob. Darker colors are dominant that made it looked very pleasing. The smell of coffee wafted through my nose and I looked up at the screen where the coffee menu was displayed. Nanatili ang distansya ko sa railings na halos umabot na sa aking tuhod.

Katulad ng dati'y nanuksong sumilip ang kaibigan kong barista't lumabas ito at sinabi sa kaniyang katabi na break time niya na. Nakipag-apir pa ito't humahalaklak na lumabas dahilan upang pagtinginan siya ng mga kasama kong nakapila. Nakangiti itong naglakad papunta sa akin at mahina akong sinapak sa batok.

Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon