06 | The Gift Of Adoration

3.9K 617 50
                                    

Nearen - A forest where Findara can be found.

_______

Chapter 6

Alysa Espanosa

Nagmukha akong saling pusa sa kanila na nakasunod lang sa likod. Halos sampung minuto na kaming naglalakad at kanina ko pa tinitiis ang lamig ng hangin. Sa huli ay wala rin akong nagawa kundi pumayag na sumama sa kanila dahil saan naman ako pupunta kung tumutol ako? hindi ko nga alam ang gagawin ko rito sa bitbit kong pusa.

Hindi ko alam kung saan kami papunta dahil madilim ang paligid at ang tanging nakikita ko lang ay mga nagliliparang pulang lanterns sa ere. Hindi ko tuloy maiwasan magtaka kung para saan ang mga 'yon, may fiesta ba rito?

"Putcha! Nakalimutan ko 'yong pamaypay ko!" Nilipat ko ang tingin ko kay Koen at bakas sa mukha niya na problemado siya at ginulo niya pa ang buhok niya dahil sa inis.

Sabay na umiling sila Flyn at Glo habang nakatingin sa kanya na para bang nakakalimutan niya na lang lagi 'yong pamaypay niya. Makakalimutin siguro ito.

Tahimik lang ako habang naglalakad sa likod nilang tatlo dahil si Neo ang naglalakad sa unahan. Ang maingay lang sa amin ay si Koen dahil panay ang dakdak niya kanina pa, hindi ko pa alam kung may kausap ba siya o wala.

Habang naglalakad kami ay wala akong marinig kundi mga nadudurog na tuyong dahon at kahit na mahaba ang suot ko'y ramdam ko pa rin ang makakati na damo. Wala akong makita kundi mga matatayog na puno na may magagarbong dahon, gubat siguro ang sinasabi nilang Nearen.

"Nandito na tayo." diretsong sabi ni Neo sa harap at saglit na lumingon sa direksyon ko kaya siningkit ko siya nong nakatalikod na siya. Kanina ko pa napapansin na panay ang tingin niya sa akin, nananadya ba 'to?

Ginala ko ang paningin ko sa paligid at wala akong makita kundi mga puno't malalaking damo. Nakakabingi ang katahimikan ng paligid dahil tunog insekto lang ang mayron. Naramdaman ko na mas lalong lumamig ang simoy ng hangin.

Tumingala ako ay doon ko nakita ang dalawang buwan. Ang isa'y mas maliit at kulay berde samantalang ang mas malaki naman ay pula ang kulay. Mukha akong timang na nakatingala sa madilim na langit na puno ng mga ulap, totoo ba ang nakikita ko?

Lumingon kami sa direksyon ni Koen nang bigla siyang sumigaw. Nakita namin siyang nakapikit habang nakatakip ang dalawang tainga. Samantala ay lagi ko namang nahuhuling nakatingin sa akin si Glo at hindi ko alam kung bakit. May dumi ba ako sa mukha?

"Putcha! Ang ingay!" reklamo ni Koen samantalang lahat kami ay nanatiling nakatayo kaya nangunot ang noo ko. Hindi ko maiwasang magtaka kung bakit gano'n ang inaakto niya dahil wala naman kaming naririnig na maingay.

Binalik ko ang tingin ko sa harap at nakita kong naging mahamog ang paligid. Ang mga puno ay unti-unting nilalamon ng hamog at sa 'di malaman na dahilan ay napuwingan ako kaya kinusot-kusot ko ang magkabilaan kong mata. At nang dumilat ako ay nawala silang lahat sa paningin ko.

Hindi ako nakagalaw sa pwesto ko't kumurap-kurap pa. Pinagpawisan ako agad at panay ang kabog ng dibdib ko dahil pati ang pusa na nasa bisig ko ay nawala. Shit, what just happened?
Mas lalo akong natakot nang ginala ko ang paningin ko sa paligid dahil mag-isa lang ako at nawala rin ang pusa sa bisig ko.

Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon