Chapter 9
Ikatlong Persona
Iba't-ibang klase ng tingin ang natanggap ni Siena at kahit siya ay hindi makapaniwala sa kanyang narinig. Isang malaking kalokohan na siya ang nagnakaw ng Flamist. How could that happen? She thought.
"Ano'ng mga sinasabi mo?" nagtatakang tanong ni Casco habang nakatingin kay Deus. Nabalot ng pagtataka ang isip niya dahil nakita niyang walang malay ang mga nakaupo sa mesa at napansin niya ang tasang may tsokolate sa harap nila.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!" singhal niya ngunit isang matalim na tingin ang nakuha niyang tugon. Pakiramdam niya'y ang kaharap niyang Deus ay iba sa nakasama niya sa matagal na panahon. Nadagdagan ang pagkalito niya dahil halos manginig ang dalagang nakaupo sa mesa't takot na takot.
Lumutang ang suot ni Errol at naglabas ng pulang liwanag, kasabay non ang pag-ubos ng enerhiya sa buong katawan niya. Subukan niya mang manlaban ay wala siyang magawa dahil hinihigop ang kanyang lakas. Sa oras na 'yon ay para siyang isang luma't walang kwentang basahan.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo at-"
"Masyado kang maingay!"
Naputol ang sasabihin ni Casco sa pagsinghal ni Deus sa kanya. Ang mga mata niya'y nanlilisik at halos magsilabasan na ang ugat sa kanyang noo. Halos 'di pumasok sa isip ni Casco ang pagsinghal nito sa kanya kaya naiwan na lamang nakapako ang mga paa niya sa malamig na sahig.
"Sa pagsasama natin ay tiniis ko ang paghari-harian mo, baka nakakalimutan mong isa ka pa ring ulilang bata?" madiin ang huling salitang binitawan ni Deus sa kanya't tila may libong karayom ang tumusok sa kanyang puso.
Sa isang tingin pa lang ay alam na ni Casco kung ano ang naabutan niyang sitwasyon at kung bakit sa isang iglap ay naging matabil ang dila sa kanya ni Deus. Pinagtaksilan siya at niloko.
Hindi nakatakas sa paningin ni Siena ang paglitaw ng tatlong maliliit na patalim sa kamay ni Deus at wala siyang nagawa kundi isigaw ang pangalan ni Casco. Huli na ang lahat dahil binato nito ang mga patalim sa direksyon ng bata at sa oras na 'yon ay wala siyang nagawa kundi ang manood.
She sank to her knees, taking in a sight that her brain refused to comprehend. She wish time would stop.
"Tama na!" she screamed at the top of her lungs. They all froze in front of her and none made a single movement in her surroundings.
What just happened? she thought. Napuno ng pagtataka ang isip niya dahil siya lang ang gumagalaw sa kanila at para bang huminto ang oras. Kusang nahulog ang mga patalim sa sahig kaya mas lalo siyang nalito sa mga nangyayari.
Ang unang pumasok sa isip niya ay alisin si Casco sa kinatatayuan nito. Nanginginig man ang kanyang mga paa ay tumakbo siya papunta sa pwesto nito at nang hawakan niya ang maliit nitong kamay ay bumalik sa normal ang lahat.
Bakas ang pagtataka sa mukha ni Casco dahil hawak ni Siena ang kanyang kamay. Nagbago rin ang pwesto niya at alam niyang hindi siya nakatayo rito kanina. Ano ang nangyari? Bakit ako nakatayo rito? he thought.
Magulo't basa sa pawis ang buhok at pinagpapawisan ang mukha. Ganon ang itsura ni Casco sa malapitan at bakas sa mukha niya ang pagtataka habang nakatingin kay Siena. Hindi siya nag-iisa, dahil lahat sila ay nagtataka kung bakit iba na ang kinatatayuan nila.
BINABASA MO ANG
Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMAC
FantasyWattys Shortlisted. A group of high school theatre performers found an old and strange manuscript by an unknown playwright and used it for their final play. Alysa Espanosa, a member of the group discovered something bizarre. ... that everything wr...